top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Irving at Durant, na-quarantine outbreak sa NBA, patuloy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 20, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio / MC - @Sports | December 20, 2021





Umabot na sa 9 na players ng Brooklyn Nets ang pumasok sa NBA health protocols kasama sina Nets stars Kevin Durant at Kyrie Irving. Nauna munang nagka-COVID-19 sina Paul Millsap, LaMarcus Aldridge, James Johnson, DeAndre’ Bembry at guard Jevon Carter, sinundan na nakapasok sa health protocols ng Liga sina James Harden at Bruce Brown.


Dapat munang magnegatibo ng dalawang beses sa loob ng 24 oras para makalabas sa quarantine ang isang manlalaro. Ayon sa ulat, upang makabalik sa laro si Irving, kailangan nitong dumaan sa limang araw na pagsusuri at kailangan nitong magnegatibo sa COVID-19 sa gagawing pagsusuri.


Maglalaro si Irving sa Nets bilang part-time na manlalaro dahil sa ayaw nitong magpabakuna at bawal sa New York ang paglalaro na hindi bakunado. May 17 manlalaro ang dumating at wagi ang Orlando Magic sa Brooklyn Nets, 100-93 sa pagpapatuloy ng NBA kahapon. Parehong wala ang mga sikat sa magkabilang team. Kumuha ng lakas ang Magic kay sentro Robin Lopez na may 20 puntos.


Samantala, ipinasok ni Shai Gilgeous-Alexander ang huling tres sa busina at binigo ng Oklahoma City Thunder ang bisitang Los Angeles Clippers, 104-103 mula sa Paycom Center.


Ang umaatikabong laro ay sa gitna ng patuloy na dumaraming manlalaro sa health protocol na binabalot sa alanganin ang liga.

Sinimulan ni SGA ang pamamayani sa buslo na nagpalapit sa Thunder, 101-103, at 7 segundo sa orasan. Nakakuha ng foul si Justise Winslow subalit mintis ang dalawang free throw at iwanang bukas ang pinto para sa Oklahoma City. Nanguna sa Thunder si Lu Dort na may 28 puntos. Sumunod si SGA na may 18 puntos.

Isa pang koponan na naka-quarantine ang players ay ang Milwaukee Bucks at wagi sa kanila ang Cleveland Cavaliers, 119-90. Nanguna sina Cedi Osman na may 23 puntos at Darius Garland na may 22 at ramdam talaga ng Bucks ang pagliban nina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton. Samantala, ginulat ng Washington Wizards ang Utah Jazz, 109-103.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page