top of page

Iran matigas ang paninindigan, nuclear issue, hindi isasama sa peace talks

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Ka Ambo @Bistado | April 28, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Nagmamatigas ang Iran at ayaw isama sa agenda ng peace talk ang nuclear weapons issue.


Meaning, malabo nang magkasundo pa ang US, Iran at Israel.


-----$$$--


Sa personal nating pagtaya—by-hook-or-by-crook, talagang desidido ang tandem nina Netanyahu at Trump na kubkubin ang Iran.


Ibig sabihin, itutulad nila ang Iran sa Iraq, Afghanistan at Libya na sinakop nila gamit ang “ground troops.”


-----$$$--


Pero, alam ba ninyong sobrang lawak ng teritoryo ng Iran?

Sa kanyang geograpiya, ang sentro lang ng Iran ang kaya nilang kubkubin—at hindi ang buong teritoryo.


-----$$$--


Bukod d’yan, reresbak ang Iran hindi kontra sa US at Israel—bagkus ay kontra sa kaalyado ng US sa Middle East.


Meaning, kapag binomba ang Tehran, gaganti ng bomba ang Iranian laban sa  mga kapit-bansa gaya ng Kuwait, Bahrain, UAE, Qatar, Saudi Arabia at iba pa.


----$$$--


Iisa ang malinaw, mas lalala pa ang sitwasyon sa mga susunod na araw, imbes na maresolba.


Diretso lang ang US sa pagdadala ng mga pambihirang war assets sa Middle East.


-----$$$--


Gayunman, ang maraming Israeli at Kano ang kontra sa Iran war gaya ng pagkontra sa Vietnam war.


Kapag biglang nawala sa posisyon, sinuman kina Netanhayu at Trump—maaring matigil ang digmaan.


-----$$$--


Sa loob ng Iran, pinaniniwalaang marami nang imprastruktura ang nawasak at maraming lider ng Iran ang napatay.


Dahil d’yan, lumalakas ang loob nina Netanhayu at Trump na pakawalan na ang pinakamalalakas nilang armas pandigma.


Ito ay parang sugal: Walang katiyakan ang panalo!




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page