Ipinagmalaki sa mga fans… IVANA, MAY SARI-SARI STORE, KAMA AT SARILING 'C.R.' SA LOOB NG VAN
- BULGAR
- May 8, 2021
- 2 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 08, 2021

'Kaaliw ang customized van ni Ivana Alawi dahil may sarili itong taguan ng arinola.
Kuwento ng dalaga sa pa-van tour niya para sa kanyang 13M subscribers, “Kailangan ko lagi ng lagayan na maitatago ko (sabay pakita ng asul na arinola). Minsan kasi, baka matapakan nila (ibang nakasakay), matatapon ang ihi ko.
"Baka kasi pagsakay nila at masipa nila, eh, di ‘yung ihi ko, kumalat. Sobrang importante itong arinola kasi nagagamit ko, kasi ayaw kong nagsi-CR sa labas kaya hindi ko ikinakahiya ang arinola ko. At least, hindi ako magkakasakit sa pantog. Itinatapon ko pag-uwi ko (sa bahay). Pa-mine na lang, hahaha,” biro pang sabi ni Ivana.
Ang sosyal na van ni Ivana ay ipinagawa niya 3 o 4 years ago dahil nga itinuring niya itong pangalawang bahay lalo't ito lagi ang gamit niya sa tapings/shootings at kapag may oras ay nakakatulog siya nang maayos na lapat ang katawan at sakto sa sukat niya dahil nako-convert sa kama ang mahabang upuan.
Pero ngayong pandemic, aniya, “For my eyes only na lang itong van na ito kasi hindi ko na nagagamit."
Dagdag pa niya, “Parang stocks exchange itong van ko kasi nalugi ako, hindi ko na nagagamit pa. Nabili ko ito bago pa ako nag-vlog.”
Anyway, may mini-store rin siya sa van na nakatago sa ilalim ng upuan.
“Welcome to my sari-sari store, so marami ako ritong mga pagkain, kasi parati akong gutom. Ito, mga tsitsirya, mga pang-barangay na pagkain kasi mahilig ako, pati chocolates. So alam n’yo na 'pag pupunta kayo sa van ko, alam n’yo na kung saan ang taguan kasi iba-iba ang laman niya everyday” sabi ng dalaga.
Nabudol naman ng aktres ang mga nakapanood na ng video niya dahil inakalang voice controlled ang pagpapalit ng kulay ng ilaw niya sa ceiling, pero hindi pala.
“Starlight party-party in the club. O, 'di ba, party-party siya at maganda kapag madilim kasi ngayon, nakabukas ang mga light kaya hindi ninyo ma-appreciate. Pero kapag madilim, ang ganda niya. Hindi siya voice controlled, de-remote. Uy, na-budol ko kayo ru'n,” tawang-tawang sabi pa nito.
Marami pang gamit na nasa loob ng van ni Ivana at para malaman ay panoorin ito sa kanyang vlog sa YT.





Comments