Ipinagdasal daw… WILLIE, HANDA NANG TUMAKBONG SENADOR
ni Beth Gelena @Bulgary | January 30, 2024

Dumalo si Willie Revillame sa protest rally na ginanap sa Davao City nitong nakaraang Linggo.
Ibinahagi ni Kuya Wil ang tungkol sa pag-alok sa kanya noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang senador. Pero, tinanggihan niya dahil that time ay may kontrata pa raw siya sa GMA-7, and besides ay hindi pa siya handa para sa pulitika.
This time, ipinagdasal daw niya ang kanyang desisyon at sa tingin daw niya ay handa na siyang tumakbo sa taong 2025 bilang senador.
Aniya, "Palagay ko, handa na ako. Handa ho akong gumawa ng kabutihan, handa akong magsilbi hindi lang sa bayan. Handa akong magsilbi sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong."





Comments