Inaayawan na ng fans… ROBIN, NAWALAN NG PRINSIPYO SA SOBRANG SIPSIP KAY P-DIGONG
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 10, 2021

Diretsahang binara si Robin Padilla ng ilang netizens na hindi agree sa kanyang Instagram post tungkol sa pagsang-ayon at papuri niya kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos umatras sa mismong hamon nitong debate kay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kaugnay ng issue sa West Philippine Sea.
Bungad ni Robin sa caption ng kanyang IG post, “Napakagandang desisyon... mag-antay na lang po tayo, Sir Carpio sa isang taon kapag natapos na po ang termino ng pangulo ng Pilipinas.
“Kahit saan po kasi tignan, hindi magiging maganda ito para sa psychological warfare laban sa kanino mang dayuhang bansa na pumukaw sa ating mga isla.
“Malaysia sa Sabah, Taiwan, Vietnam at China sa West Philippine Sea.”
Patuloy ni Robin sa post niya, “Maraming salamat po, mahal na Pangulo, at inyo pong tinanggap ang paliwanag ng inyong advisers.
“Si Sir Carpio po sa ngayon ay isang retired na abogado, hindi po kayo magkatapat sa ngayon, we have everything to lose and he has everything to gain. Sigurado naman po panalo tayo sa debate na ‘yan pero sa mata ng mga dayuhan, TALO na po tayo dahil we gave in to this attention seekers and fought within ourselves. It will create more division than unity.”
Katwiran pa niya kaya agree siya sa desisyong pag-atras ni P-Du30, “Kahit ano naman po ang gawin na natin sa ngayon, wala naman na po itong magiging magandang epekto sa kanila. Sigurado po, may sasabihin pa rin na pangit ang mga taong ito because they are here to destroy you and grab power as usual.”
Sabi pa ni Binoe, “We must not let them have that opportunity because it will destroy our country and the revolution of change that you started.
“Designating Sec. Harry Roque to represent you is already an honor for the retired attorney at law. Isang malaking favor na po ‘yun para kay Sir Carpio. In reality, no offense or insult, he is a nobody now. He is just enjoying the airtime that is given to him by the partisan media.”
Inihalintulad pa ni Robin sa larong chess ang naging diskarte ng pangulo na umatras sa debate.
Aniya, “Mr. President, alam ko po, gigil na gigil na kayo pero one year na lang po ang antayin natin, maaari n’yo na po gawin ang gusto po ninyo.
“Pero sa ngayon po, Mr. President, we should follow the protocol of your presidency. ‘Ika nga po sa larong chess, we should protect the king! Let us put our pawn, horses, and bishop to work and do some charity work for your has been critics. They had their time and they lost our islands how can they help us now?”
‘Kalokah! Ba’t ‘di na lang kaya maglaro ng chess si Robin kesa nag-uubos ng time mag-post ng baluktot na katwiran niya sa socmed, ha?
Ayan tuloy, isang comment ng netizen na bumara sa kanya ang nabasa namin sa kanyang IG post.
Reply ni leo23khan sa post ni Robin sa IG, “Hahaha! Funny ka, idol. FYI, baka hindi ka aware, si Duterte po ang naghamon at hindi si Carpio. Baliktarin natin, ganyan pa rin kaya ang statement mo (or ng keyboard warrior mo, halata naman kasi na hindi ikaw ang nagsulat ng statement mo) kung si Retired SAJ Carpio ang naghamon at umatras??? Malamang hindi.
“Sobra naman ang pagtatanggol mo kay Duterte? Obvious na obvious ka, idol. May sinusunod na protocol or alam n’yo na mapapahiya si Duterte kaya pinigilan s’ya? Actually, hindi s’ya pinigilan dahil alam naman natin na hindi n’ya gagawin ‘yun.
“Oo, abogado din si Duterte pero hindi na s’ya updated sa batas kaya alam natin na kakainin s’ya nang buhay ni Retired SAJ Carpio.
“Idol, be true to yourself po, ‘wag sobrang sipsip kay Duterte. Nawala na ata ang prinsipyo mo, idol? Idol pa naman kita pero parang nagbago ang tingin ko sa ‘yo kasi kahit alam mo na mali ay pilit mong itinatama.
“Sayang ka, idol... pinalalabas n’yo pa ngayon na si Carpio ang naghamon at kailangan maghintay? Si Carpio pa ang dehado dahil Presidente ang makakaharap n’ya? Eh, di wow!”
Oo nga naman! Ang totoong makabayan ay kapakanan ng nakararami ang isinasaalang-alang at hindi nagsisilbi sa nakaupo lang.
Anyare na kaya kay Idol Robin?





Comments