Impeachment trial ni VP Sara, Hunyo pa gugulong — Lacson
- BULGAR

- 44 minutes ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | May 3, 2026

Photo: Ping Lacson / FB
Posibleng mag-convene agad ang Senado bilang impeachment court sa sandaling matanggap nito ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio, ngunit maaaring sa Hunyo pa magsimula ang mismong paglilitis.
Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson, bagama’t nais ni Senate President Vicente Sotto III na agad mag-convene ang impeachment court, maaaring kailanganin ng hindi bababa sa tatlong linggo para sa mga proseso tulad ng pagpapadala ng summons at reply, at preliminary conference para sa stipulations at posibleng "marking of evidence" bago magsimula ang trial.
“Kailangan ma-transmit muna sa amin ang Articles of Impeachment. Kung susundin natin ang ganoong proseso, hindi ganoon kadali 'yan. We’re talking of at least three weeks siguro bago talaga makapagsimula ang trial, at the very least," ani Lacson sa panayam ng DZMM.
Aniya, ang preliminary conference o “pre-trial” ay maaaring isagawa ng Senate President o ng kanyang legal adviser upang tukuyin kung anu-anong mga isyu ang puwedeng tatalakayin sa paglilitis.
Binalikan ni Lacson ang impeachment trial ng yumaong dating Chief Justice Renato Corona, na aniya’y nagkaroon ng kalituhan dahil sa kawalan ng maagang pre-trial, na nagresulta sa pagpasok ng mga “surprise” na testigo sa kalagitnaan ng paglilitis.
Kaugnay ng posibilidad na maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema, sinabi ni Lacson na magpupulong ang Impeachment Court upang talakayin ang nasabing usapin at kung kinakailangan, pagbotohan ang nararapat na hakbang.




Comments