top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Impeachment trial, nangangailangan ng tunay na eksperto sa batas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 15
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | June 15, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Wala nang makakapigil, tuloy na ang impeachment trial kay VP Sara.

Pareho ang posisyon ng 2 paksyon ng mga senador na tuloy ang impeachment trial. 


-----$$$--

Nakapokus ang isyu kung sino ang magiging presiding officer.

Marami ang nagsasabi na dapat ay isang abogado.

Hindi personal ‘yan o pulitika, bagkus ay teknikal.


-----$$$--

Hindi simpleng bagay ang paglilitis dahil nakataya ang kredibilidad o reputasyon sa proseso at sa resulta.

Mahalagang maging maingat ang mga senador na aastang hurado. 


-----$$$--

Pinakamatunog ay si ex-Senate President Chiz Escudero na nasa grupo ni Sen. Win Gatchalian pero nagmula sa grupo ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Nananatili pa rin iginagalang si Escudero ng nakararaming senador mula sa dalawang paksyon.


-----$$$--

MASELAN at teknikal ang proseso kaya’t nagkakaisa naman ang mga senador na dapat isang abogado ang umaktong presiding officer.

Ito ay para sa mas maayos at patas na proseso.

 

-----$$$--

PAREHO namang may negatibo at positibong komento mula sa dalawang paksyon kaugnay sa kwalipikasyon ni Escudero.

Magandang palatandaan ito kung ang kritisismo o pagkatig ay namumula sa dalawang paksiyon. 


----$$$-

MATATANDAANG nagkaroon ng debate kung ano ang kahulugan ng katagang "forthwith" sa naunang proseso ng impeachment complaint laban kay VP Sara.

Kinatigan ng Korte Suprema ang posisyon at disposisyon ni Escudero kaugnay sa isyu ng “forthwith.”


----$$$--

SA totoo lang, hindi naman dapat nakasentro ang usapan sa kung sino ang gustong manalo.

Mas makabubuting tingnan kung sino ang may kakayahang tiyaking magiging patas, maayos, at kapani-paniwala ang buong paglilitis.


----$$$--

KUNG pag-uusapan ang maayos na proseso at patas na pagtrato sa impeachment trial bukod pa ang karanasan, pinakamatibay na aspirante si Escudero.

Kumbaga, tanging siya ang makakapaglinaw, mauunawaan at magiging epektibo ang proseso.


----$$$--

HINDI ang huling hatol ang pokus, bagkus ay ang epektibong diskarte na mauunawaan ng lahat ang teknikalidad at daloy ng palitan ng argumento.

Iyan mismo kung bakit marami ang nagsasabi na angkop lang si Escudero at ang dapat umaktong presiding officer sa impeachment trial kay VP Sara.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page