Impeachment ni VP Sara, ‘suntok sa buwan’ dahil malabo itong ma-impeach
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 20, 2026

LABAN NI VP SARA SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION, TULOY KASI MALABO SIYANG MAPA-IMPEACH – Kahit na na-convene na ang Senado bilang impeachment court, nananatiling malabo ang posibilidad na ma-impeach si Vice President Sara Duterte.
Sa ilalim ng proseso, kapag umusad na ang impeachment trial at dumating na sa botohan kung guilty o not guilty, kinakailangan ang 16 na boto ng mga senador para mahatulan ng guilty ang bise presidente at tuluyang ma-impeach.
Gayunman, batay sa kasalukuyang bilang ng mga senador sa minority at majority bloc, tila magiging mahirap itong makamit. May 11 senador sa minority na maaaring bumoto ng guilty, ngunit malayo pa rin ito sa 16 na kinakailangan. Sa kabilang banda, ang 13 senador na nasa majority ay inaasahang hindi boboto pabor sa impeachment, kaya’t nagiging “suntok sa buwan” ang posibilidad na makakuha ng karagdagang boto mula sa kanila.
Dahil dito, lumilitaw na mababa ang tsansang umusad hanggang sa conviction ang impeachment case, kaya’t nananatiling bukas ang landas ni VP Sara Duterte patungo sa 2028 presidential election. Period!
XXX
KAPAG ANG BARAKONG SI SEN. MARCOLETA ANG NAMUNO SA SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE, TIYAK MAY MGA TAGA-MALACANAÑG ANG TATAMAAN SA FLOOD CONTROL SCANDAL – Pinagpipilian pa raw ni Senate President Alan Peter Cayetano kung sino kina Sen. Pia Cayetano at Sen. Rodante Marcoleta ang posibleng mamuno bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ayon sa ilang social media post, mas maraming netizens ang sumusuporta kay Sen. Rodante Marcoleta bilang nais nilang maging hepe ng komite, dahil sa pananaw ng iba ay magiging mahigpit ito sa mga imbestigasyon. May mga nagsasabi rin na kung muli itong manguna sa pag-iimbestiga sa umano’y flood control scandal, posibleng may mga matamaan kahit pa ito ay mula sa Malacañang. Boom!
XXX
DAMI NA NGANG SABLAY NI DILG SEC. JONVIC REMULLA, PINAGKAKATIWALAAN PA RIN NI PBBM – Sa kabila ng ilang naiuulat na kapalpakan ni Jonvic Remulla bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) spokesperson na si Claire Castro na nananatiling malaki ang tiwala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa DILG secretary.
Ipinapakita lamang nito ang patuloy na kumpiyansa ng administrasyon sa ilang miyembro ng Gabinete kahit na may mga isyung ibinabato sa kanilang performance. Buset!
XXX
NANG MAGING PRESIDENTE SI PRRD, PUSAKAL NA 'TONGPATS' COLLECTOR SA CAMANAVA AREA TUMIKLOP, PERO NGAYON BALIK NA NAMAN ITO SA BAD NIYANG GAWAIN – Isa sa sinasabing dating aktibong “tongpats” collector sa CAMANAVA ay isang nagngangalang “Roy Pulis.” Ayon sa ilang ulat, nang maupo si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, umano’y tumigil ito sa kanyang mga ilegal na gawain dahil sa takot sa “tokhang.”
Ngunit sa kasalukuyan, may mga ulat na muli umano itong bumalik sa kanyang dating aktibidad sa CAMANAVA area. Kaugnay nito, pinaiimbestigahan ng ilan kung bakit tila walang malinaw na aksyon mula sa Northern Police District (NPD) sa ilalim ni Brig. Gen. Benliner Capili.
Nanawagan ang publiko ng agarang pag-aksyon upang matigil ang anumang uri ng ilegal na gawain sa lugar. Tsk!




Comments