top of page
BIDA - CLAUDIA, PINAPAPALITAN NG BARRETTO ANG APELYIDO-IG _claudia & _dennisastig.jpg

Impeachment ni VP Sara, ala-QuadCom style dahil puro member ng QuadCom ang member ng Kamara, buwisit!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 20
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | March 20, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


ASAHAN NA NI PBBM NA PUPUTAKTIHIN SIYA NG PAMBA-BASH KAPAG SUMABLAY ANG STATEMENT NIYANG KAHIT MAY KRISIS SA LANGIS HINDI RAW TATAAS PRESYO NG BILIHIN – Inanunsyo ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na hindi umano tataas ang presyo ng mga bilihin sa merkado sa kabila ng krisis sa langis dulot ng digmaan sa Middle East.


Umaasa ang publiko na matutupad ang pahayag na ito, dahil kung magtaas ang presyo ng mga bilihin, tiyak na haharap ang Pangulo sa matinding batikos mula sa netizens sa social media. Period! 


XXX


ALA-QUADCOM ANG GAGAWING HEARING SA IMPEACHMENT NI VP SARA DAHIL PURO MEMBER NG QUADCOM ANG MEMBER NG HOUSE JUSTICE COMMITTEE – Nakatakdang simulan sa Marso 25, 2026 ang pagdinig ng House Justice Committee sa dalawang impeachment complaints laban kay Sara Duterte. Dahil naka-live ang mga pagdinig, inaasahang magiging masinsinan at matindi ang pagtatanong ng mga mambabatas—kahalintulad ng naging estilo sa Quad Committee hearings.


Inihalintulad ito sa QuadCom dahil ilan sa mga miyembro ng House Justice Committee ay kabilang din sa naturang komite noong 2024, kung saan siniyasat ang isyu ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education noong panahong si Duterte pa ang namumuno rito. Boom!


XXX


DAPAT IMBESTIGAHAN NI SEN. LACSON ANG MGA NAGING RAKET NG NOO'Y DPWH USEC. CABRAL SA MGA PANAHON NG PNOY, FPRRD AT PBBM ADMINISTRATIONS – Sa isinagawang imbestigasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa mga bank account ng yumaong dating DPWH Usec. Maria Catalina Cabral, napag-alaman na sa kabila ng mahigit P200,000 lamang na buwanang sahod nito, umabot sa daan-daang milyong piso ang naging galaw ng kanyang mga transaksyon mula 2015 hanggang 2025.

Saklaw ng panahong ito ang administrasyon nina Benigno Aquino III, Rodrigo Roa Duterte, at Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.


Dahil dito, nananawagan ang ilan na imbestigahan ito ng Senate Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Ping Lacson upang matukoy kung may iba pang sangkot at kung sino-sino ang posibleng nakinabang sa umano’y iregularidad sa loob ng ahensya. Period! 


XXX


SEN. ESCUDERO, BUMANTOT ANG NAME KAYA HINDI TATAKBO SA PAGKA-PRESIDENTE AT VP – Hiniling ni Francis "Chiz" Escudero sa mga survey firms na huwag isama ang kanyang pangalan sa mga presidential at vice-presidential surveys, dahil hindi naman niya planong tumakbo sa alinman sa dalawang posisyon.


Ayon sa kanyang pahayag, wala siyang ambisyon para sa mga nasabing puwesto, kaya’t hindi na kailangang isama ang kanyang pangalan sa mga survey na ito. Boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page