top of page

Impeachment kay PBBM, nilalaro lang, si VP Sara ang talagang target!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | February 3, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KAHIT GAWING PAMBATO NG 'DILAWAN' AT 'KAKAMPINK' FORCES, WALANG PANALO SI SEN. RISA KAY VP SARA SA PAGKA-PRESIDENTE AT KAY SEN. BONG GO SA PAGKA-VP – Sabi ni Sen. Risa Hontiveros, tatanggapin niya ang hamon kung siya raw ang pipiliin ng "Dilawan" at "Kakampink" forces na maging kandidato sa pagka-presidente sa 2028.


Ngunit kung susuriin ang mga survey, malinaw na wala siyang panalo laban kay Vice President Sara Duterte. May 33.3% ang rating ng bise presidente kumpara sa 1.5% lamang ng senadora. Kahit sa pagka-bise presidente, matatalo rin siya kay Sen. Bong Go na may 19.1% rating, samantalang 2.8% lamang ang rating ni Hontiveros.

Ang pinakapunto: mas makabubuti kung huwag nang pangarapin ni Sen. Risa ang posisyon ng presidente o bise presidente. Kung nais niyang manalo, mas mainam na muling tumakbo bilang partylist representative ng Akbayan sa 2028. Period!


XXX


IMPEACHMENT KAY PBBM, NINGAS-KUGON LANG PERO ANG TUTULUYAN MA-IMPEACH AY SI VP SARA? – Kasabay ng pagtalakay kahapon ng House Justice Committee sa dalawang impeachment cases laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM), tatlong magkakasunod na kaso rin ang isinampa ng Makabayan bloc, ng civil society group na Tindig Pilipinas, at ng Akbayan laban kay VP Sara Duterte.


Tanong ngayon: Puro “ningas-kugon” lang ba ang pagtalakay sa kaso ni PBBM, habang si VP Sara ang tunay na target ng Kamara? Abangan!


XXX


5 ARAW LANG NAGBUNYI ANG MGA DDS SA PAG-REJECT NG SC SA KASONG IMPEACHMENT KAY VP SARA, KASI NGAYONG 2026, PINUTAKTI NA NAMAN NG IMPEACHMENT CASES ANG BISE PRESIDENTE – Nagbunyi ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS) sa pinal na desisyon ng Supreme Court (SC) nuong January 29, 2026, na nag-reject sa isinampang Articles of Impeachment ng Kamara sa Senado laban kay VP Sara. Ito ay kaugnay sa isyung unconstitutional dahil sa paglabag sa 1-year bar rule, dahil may mga nauna nang naisampang impeachment cases laban sa bise presidente noong December 2, 4, at 19, 2024.


Ang pagbubunying ito ng mga DDS ay tumagal lamang ng limang araw. Matapos i-reject ng SC ang naunang impeachment noong January 29, 2026, kahapon (February 2, 2026) ay muli nang isinampa ang mga impeachment complaints laban kay VP Sara.

Ibig sabihin, hindi pa rin ligtas sa impeachment si VP Sara, maliban na lamang kung muling kakampihan siya ng SC. Period!


XXX


DAPAT ANG MGA INCUMBENT SENATORS AND CONGRESSMEN NA SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCANDAL AY MA-CITY JAIL NA RIN – Pebrero 2026 na, pero hanggang ngayon ay wala pa ring naipapakulong na mga incumbent senators at congressmen na sangkot sa flood control scandal. Sa ngayon, si dating senador Bong Revilla lamang ang nakakulong.


Kung nais ng administrasyong Marcos na patunayan sa publiko na tunay silang anti-korapsyon, dapat nilang sampahan ng kaso sa Sandiganbayan ang mga kasalukuyang senador at kongresista na sangkot sa flood control scandal upang makasama na si Bong Revilla sa city jail. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page