Impeachment, hindi laruan ng mga pulitikong may personal agenda
- BULGAR

- 29 minutes ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | February 2, 2026

Inilabas na ng Korte Suprema ang pinal na desisyon kaugnay sa impeachment complaint laban kay VP Sara.
Kinatigan ang pagbasura sa katwirang labag sa Konstitusyon.
----$$$--
NAGMAMAKTOL si Senate President Tito Sotto kasabay ng pagbatikos sa disposisyon ng Korte Suprema.
May nagtatanong sa social media post: Katalinuhan o kamangmangan?
-----$$$--
TUMPAK si Chiz sa pagsantabi noon sa impeachment laban kay VP Sara.
Matagal nang sinasabi ni Escudero na hindi maaaring daanin sa shortcut ang impeachment laban sa bise presidente.
-----$$$---
Kahit pa sa tingin ng iba na ito ay isang political process, kailangan pa rin itong sumunod sa mga itinatakda ng ating Saligang Batas.
Kinumpirma mismo ng Korte Suprema ang prinsipyong matagal nang iginigiit ni Escudero sa impeachment.
-----$$$--
BINIGYANG-DIIN sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman ang kahalagahan ng proseso sa impeachment proceedings.
Hindi sapat ang dami ng pirma o “momentum” na sinasabi ng ilan.
-----$$$--
MAY mga tuntunin na kailangang sundin, gaya ng session-day rules, referral requirements, at ang one-year bar.
Tama rin dito si Escudero, at ang sabi pa niya’y ang impeachment ay hindi maaaring maging political impulse at pressure tactic.
-----$$$--
KAPAG may naunang impeachment na “initiated” ayon sa ating Konstitusyon, bawal ang magsampa ng kasunod na impeachment sa loob ng isang taon.
Hindi ito imbento lang ng ating mga mambabatas.
Nakatalaga mismo ito sa ating Saligang Batas.
----$$$--
ANG paulit-ulit na paghahain ng impeachment cases ay maaaring lumabag sa Konstitusyon, aniya.
Ipinunto rin ng Korte Suprema na kahit sa 1/3 signature route, hindi nawawala ang bisa ng Rules of Impeachment.
----$$$--
ANG proseso ay hindi paramihan ng bilang o palakasan ng sigaw.
Anumang pamamaraan ang gagamitin sa isang impeachment proceedings, parati itong may safeguards.
----$$$--
HINDI ito teknikalidad.
Ito ay aktuwal na proseso bilang proteksyon laban sa abuso.
Iyan ang tinatawag na check and balance.
----$$$--
MALINAW na hindi hindi unlimited ang kapangyarihan ng Kamara.
Ito ang nagtitiyak na ang impeachment ay hindi nagiging sandata ng mga pulitiko laban sa mga itinuturing nilang kaaway.
----$$$--
AYON kay Escudero, kahit sa impeachment ay may sinusundang proseso.
Ngayon, ito na mismo ang sinasabi ng Korte Suprema.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments