top of page

Imee Marcos, nakalaya sa anino ng kanyang ‘Ading’

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 12 hours ago
  • 2 min read

ni Ka Ambo @Bistado | February 9, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Kapit-tuko sa senate presidency si Tito Sotto.

May sumigaw sa likuran: “Tuta si Tito!”


---$$$--


Muntik na raw maging babae ang ulo ng Senado.

Baka masorpresa kayo, kapag ang maging ulo ng Senado ay biglang maging ”bakla”.


----$$$--


Nagtagumpay si Sen. Imee Marcos na makatakas mula sa anino ng kanyang “Ading”.

Malinaw na malinaw na hindi kaalyado ni PBBM ang kanyang “Manay”.


----$$$--


PERO, ano naman kaya ang katotohanan sa isang tsismis na magiging kaalyado ng mayorya sa Senado si Sen. Bong Go?

Wala pang opisyal na pahayag si Go hinggil dito.


-----$$$--


MAY mga nagsasabi na nagtatangka raw si Sen. Go na lumayo sa anino ni VP Sara?

Kumbaga, siya ang “lalakeng Imee”.


-----$$$--


HINDI ordinaryo sa pulitikang Pinoy ang mag-akrobat o maging isang “paru-paro”.

Kumbaga, sa Pilipinas, nauuso ang balimbing kapag pulitika ang pinag-uusapan.


-----$$$--


HINDI natin masisisi si Go sakaling magkaganyan ang sitwasyon.

Sa bagay, sa panahon ngayon ay mahalaga ang “political survival”.


-----$$$--


MAS angkop na sabihin na iniintriga lang ang kampo ni VP Sara kaya’t pumapasok ang “tsismis” kay Go.

Sa taktikang pulitika—kailangang “mawasak,mabuwag o malansag”ang bloke ni VP Sara.


-----$$$--


ISANG epektibong pambasag sa botong Duterte ay ang mapabaliktad si Go.

Iyan ay lipas nang estratehiya.

Pero, nananatiling epektib.


-----$$$--


WALA kasing debate sa isyu na “llamado” si VP Sara sa 2028.

Pero, ang terminong “llamado” ay jargon sa sugal o gambling particular sa pustahan sa sabong at karera ng kabayo.


----$$$--


ANG pagiging llamado ay hindi kasingkahulugan ng “sure win”.

Mahalagang maunawaan natin na minarkahan ng “llamado” sina ex-VP President Jejomar Binay, VP Noli de Castro at si Da King.


Parehong natalo si Binay at Da King, samantalang si Kabayan naman ay hindi man lamang nai-nominate o hindi naikandidato ng alinmang partido bilang pangulo ng bansa.


-----$$$--


SINA Binay, De Castro at Fernando Poe Jr ay pare-parehong No.1 sa opinion survey noon—2-3 taon bago mag-eleksiyon.

Hindi sila nakaupo sa Malacañang.

Iyan mismo ang dahilan kung bakit marami ang umaasang mabibigo si  VP Sara sa 2028.


-----$$$--


TALIWAS d’yan, si ex-President Ferdinand Edralin Marcos Sr.; ex-President Joseph Estrada; at ex-President Noynoy Aquino ay topnotcher sa lahat ng opinion survey bago mag-eleksiyon.

Nagwagi sila nang “landslide”sa presidential election.

Iyan naman ang modelo at padron ni VP Sara.



Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page