top of page

Imbestigasyon sa male-maletang pera, ‘di pa nauumpisahan pero mukhang inabsuwelto na ni Remulla

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5h
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | March 2, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KUPAD NG AKSYON NI PBBM, KUNG  KAILAN UMATAKE NA ANG US AT ISRAEL, SAKA LANG INATASAN ANG DFA AT DMW NA ILIGTAS ANG MGA PINOY SA IRAN – Nang atakehin ng magkasanib na puwersa ng United States at Israel ang Iran, inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na iligtas ang mga Pilipino sa nasabing bansa.

Marami ang nagsasabing huli ang aksyon ni Pangulo, dahil nitong mga nakaraang araw ay may ulat na posibleng umatake ang US at Israel sa Iran. Dapat sana ay mas maaga pa niyang inatasan ang paglikas ng mga Pilipino bago tuluyang sumiklab ang labanan. Tsk!


XXX


MUKHANG INABSUWELTO NA AGAD NI OMBUDSMAN REMULLA ANG MGA SINASABING TUMANGGAP NG MALE-MALETANG PERA KAHIT WALA PANG IMBESTIGASYON – Sinabi ni Ombudsman Boying Remulla na may pag-aalinlangan siya sa nag-iisang affidavit na nilagdaan ng 18 ex-Marines at sundalo. Ayon kay Remulla, imposibleng sa lahat ng pagkakataon ng pag-deliber ng pera kay Pangulong Marcos, dating Speaker Martin Romualdez, pati na rin sa mga mambabatas at opisyal ng gobyerno mula sa nalikom na kickback ni dating Cong. Zaldy Co, ay palaging magkakasama ang lahat.


Kumbaga, kahit wala pang isinagawang imbestigasyon, sa pahayag ni Remulla, parang inaabswelto na niya ang mga inaakusahan ng 18 dating sundalo — ang mga mambabatas at opisyal ng gobyerno na umano’y tumanggap ng pera. Period!


XXX


KUNG NILUBAYAN NA NI RAMON TULFO ANG KAKA-FAKE NEWS KAY GOV. FERNANDO, HINDI NA SANA NABUHAY SA SOCMED ANG PAMBUBUGBOG SA KANYA NI RAYMART SANTIAGO – Ang inaabang-abang na “pagsipot” ng mga driver ng convoy ni Bulacan Gov. Daniel Fernando sa Land Transportation Office (LTO) noong Feb. 24, 2026, alas-2 ng hapon, base sa kumalat na “LTO show-cause order” sa social media, ay hindi naganap. Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao, peke ang dokumento at wala silang pinadalang ganito sa Bulacan Provincial Government. Wala rin anuman CCTV o dashcam video na magpapatunay ng umano’y road rage sa NLEX noong Feb. 21, 2026, sa pagitan ng 7 pm at 8 pm.


Matapos ideklara ni Lacanilao na fake news ang LTO show-cause order, nilapitan ni veteran journalist Ramon Tulfo ang nag-post sa Facebook tungkol sa umano’y road rage at pambubugbog kay Gov. Fernando. Hindi sana nabuhay muli ng netizens ang insidenteng nangyari sa kanya noong May 6, 2012, nang siya ay pagbunalan ni Raymart Santiago dahil sa pananadyak niya sa noo’y misis ng aktor, si actress Claudine Barretto. Boom!


XXX


TAGAL NA NG RAKET NA AGRI-SMUGGLING NINA 'GERRY T' AT 'LEAH C' SA CUSTOMS, PERO HANGGANG NGAYON HINDI PA RIN SILA NAHUHULI – Hanggang ngayon, tuloy pa rin daw ang agri-smuggling na operasyon nina "Gerry T" at "Leah C" sa Customs. Napaka-untouchable nila dahil dekada-dekada na ang kanilang raket, at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nahuhuli.ngayon hindi pa rin sila nahuhuli. Period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page