IG, naka-off, fans bawal mag-comment… XIAN, DEDMA NANG TINANONG KUNG BINATI SI KIM NU’NG PASKO
- BULGAR
- Jan 10, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | January 10, 2024

Nag-post si Xian Lim ng picture nila ni Jennylyn Mercado para sa series nilang Love. Die.
Repeat na premiere na sa January 15, 8:50 pm sa GMA-7. Pero dahil naka-off ang comment box ng Instagram ni Xian, walang fans na makapag-comment.
Maganda sana kung i-open ni Xian for awhile ang comment box ng kanyang IG para malaman ang pulso ng fans at viewers sa pagtatambal nila ni Jennylyn. Puwede naman niyang i-block ang mga nega comments kung ayaw niyang mabasa, pero habang nasa promo period ang series, sana i-open niya ang comment box.
Kinumusta ng press si Xian at okay naman daw siya at mukha namang hindi na siya heartbroken at nakakangiti at nakakatawa na nga. Lalo na nang ikuwento na sa eksenang patay ang karakter niya at nakahiga, sinisiko niya si Jennylyn para umalis sa tabi niya dahil nakikiliti siya.
Nakakatuwa rin ang kuwento ni Xian na sinasabihan siya ni Director Jerry Sineneng na ‘wag muna siyang hihinga dahil nakikita siyang humihinga, eh, patay na nga ang karakter niya.
May nagtanong kay Xian kung binati ba niya si Kim Chiu last Christmas and New Year, hindi nito sinagot ang tanong. Either hindi niya narinig ang tanong o hindi na lang sumagot at baka nga naman humaba pa ang tanong. Ang mahalaga, okay siya at okay si Kim.








Mb66 – Trải nghiệm đẳng cấp, khuyến mãi khủng, hỗ trợ 24/7!
Cm88 – chạm là nhả, nhả là trúng, sân chơi đỉnh cao của dân pro!
sh bet được PAGCOR cấp phép hợp pháp và iTech Labs chứng nhận chất lượng quốc tế.
https://vmaxgame.net/ Vmax game – sân chơi cá cược uy tín, nạp rút siêu tốc, thưởng lớn mỗi ngày cho mọi thành viên!
BET88 Chơi thông minh, Thắng vượt trội. Nền tảng cá cược tối ưu cho mọi thiết bị. Rút tiền chỉ trong vài chạm.