Kahit mahigpit ang bantay, nakalusot… YORME ISKO, TUWANG-TUWA NA MAY SELFIE KAY PRES. TRUMP

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 23, 2026

Photo: PBBM, Pres. Donald Trump at Yorme Isko Moreno Domagoso - FB
Bonggang-bongga si Manila Mayor Isko Moreno dahil nagawa niyang makipag-selfie kay US President Donald Trump nang magkita sila sa Malacañang noong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit Conference.
Nagmistulang fan si Yorme Isko na tuwang-tuwa dahil may selfie siya kasama ang pangulo ng Amerika, sa kabila ng mahigpit na seguridad nito.
Bibihirang pagkakataon ang mabigyan ng oportunidad na makaharap ang pangulo ng malaking bansa.
For sure, maging ang ating mga senador at congressman ay gugustuhin ding magkaroon ng souvenir photo kasama si US President Trump. Sadyang mabilis lang si Mayor Isko kaya siya ang nakauna.
Well, isa itong memorable experience para kay Yorme.
Career, nasira rin…
DINO, NAGKAANAK SA IBA KAYA SILA NAGHIWALAY NI KIM
Tiyak na maliliwanagan na ang lahat kung bakit biglang lumamig ang career ni Dino Guevarra, na dating miyembro ng Abztract Dancers at naging ka-love team ni Kim delos Santos.
Aniya, 21 years na silang hindi nagkikita ng dating aktres mula nang sila ay maghiwalay.
Nang mag-guest si Dino sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin niya ang kanyang mga pagkakamali na naging dahilan ng pagkasira ng kanyang career.
Sey niya, 17 years old pa lang siya nang magkaroon ng anak sa kanyang karelasyon, at nasundan pa ito ng isa pa noong 18 years old siya. Nagawa niyang ilihim sa publiko ang pagiging binatang ama.
Kainitan noon ng love team nila ni Kim, kaya hindi puwedeng ilantad sa publiko na may anak na siya. Pero alam ng dating aktres ang kanyang sikreto at tinanggap ito.
Inamin din ni Dino na na-fall out of love siya kay Kim at nagkaroon ng third party sa kanilang relasyon, na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Matapos nito, tuluyan nang iniwan ni Kim ang kanyang showbiz career at nagpatuloy sa pag-aaral sa USA, kung saan siya naging nurse.
Ngayon ay 47 years old na si Dino at inamin na malaki ang kanyang naging kasalanan at pagkukulang kay Kim.
Hihingi siya ng kapatawaran sa dating ka-love team kapag nagkita na sila.
Happily married na ngayon si Dino sa kanyang wife na si Karen. Sa kabuuan, lima na ang kanyang anak, dalawa rito ay sa una niyang nakarelasyon.
Naunahan pa raw ang ibang artista…
JILLIAN AT ANDREA, PINAKABATANG MAY STAR SA WALK OF FAME PHILS.
SINA Jillian Ward at Andrea Brillantes ang pinakabatang celebrities na nakasama sa hanay ng 2026 Walk of Fame Philippines inductees.
Tiyak na marami ang magtataka kung bakit silang dalawa lang ang napili gayung marami pang artista ang hindi nabibigyan ng star sa Walk of Fame Phils.
Ano raw ba ang basehan sa pagpili ng mga inductees?
Well, sa pagkakaalam namin, may mga board members na pumipili ng mga celebrities na dapat bigyan ng star.
Dalawang taon ding hindi nagkaroon ng bagong set of inductees dahil nasa USA si Federico Moreno, na siyang in-charge sa project na ito ng German Moreno Walk of Fame Foundation.
Ngayong 2026 ay naayos na ang mga bagong inductees na bibigyan ng star sa Eastwood Park. Darating ang 13 inductees na pararangalan sa special event na ito.
Ang Walk of Fame Phils. ay ipagpapatuloy ni Federico bilang pagpupugay sa kanyang amang si Kuya Germs.





Comments