Naging basher pa raw… VICE, NAWALAN NG KAIBIGAN NANG YUMAMAN

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 23, 2026

Photo File / Vice Ganda - IG
“Not everyone is happy for your success,” pahayag ng It’s Showtime (IS) host na si Unkabogable Star Vice Ganda.
Ibinahagi ni Vice ang kanyang personal na karanasan sa noontime program na IS ng ABS-CBN nang mapag-usapan ang tungkol sa mga dating kaibigan na nagbabago ang pakikitungo kapag nagsimula nang umangat sa buhay ang isang tao.
Sey ni Vice, “Marami akong ganyan na experience, eh, ‘yung magkaibigan kami dati pero nu’ng gumanda-ganda nang konti (ang buhay ko)... Sabi ko, ‘Ano’ng nangyari, bakit naging basher ko ‘to, eh, tropa ko ‘to dati?’
“Not everyone is happy for your success and not everyone is happy that you are not suffering the way they are.”
Well, that’s life, Meme Vice.
Du'n na gustong tumanda…
LOTLOT, DREAM MAGKABAHAY SA QUEZON
ANSWERED prayer para sa aktres na si Lotlot de Leon ang makapasyal sa Quezon, na tinawag niyang ‘little piece of paradise’.
Sa kanyang social media post, nagbahagi ang aktres ng video clip na nagpapakita ng magandang tanawin sa probinsiya ng Quezon.
Ayon sa aktres, dati ay ipinagdarasal at pinapangarap lamang niyang mapuntahan ang lugar na ito, kaya malaking biyaya para sa kanya na natupad ito ngayong taon.
Aniya, “Got to visit our little piece of paradise in Quezon a few weeks ago.
“Dati, ipinagdarasal at pinapangarap ko lang ‘to. This year, it was an answered prayer.
“Sana soon, God willing, mapatayuan na kahit maliit lang na bahay… para pagtanda ko, dito na ako mag-stay. Isang matinding regalo ‘to ng Panginoon, ‘di lang para sa akin kundi para sa mga anak ko at asawa ko.
“I can picture my family getting together here, laughing, telling stories and just being happy. Sana, ‘wag kang mapagod, Lord, ha, na i-bless kami at unti-unting mabuo ‘tong munting paraiso ko.”
No worries, Lotlot. Sa sipag mo sa pagtatrabaho, hindi mapapagod si Lord na biyayaan ka ng blessings.
After all, God is good all the time.
Nasampulan...
JOHN, BILIB NA ‘DI MADAMOT SI YENG
PINURI ng actor-director na si John Prats ang pagiging mapagbigay ng singer na si Yeng Constantino matapos ang matagumpay na pagtatanghal ng kanyang 20th anniversary concert na Biyaheng Bente.
Sa kanyang social media post, pinuri ni John si Yeng dahil hindi lamang niya iniisip ang sarili niyang tagumpay kundi sinisiguro rin niyang nabibigyan ng pagkakataong mag-shine ang mga taong nakakasama niya, lalo na ang kanyang mga guests.
Ani John, “Congratulations, Yeng!!! Sobrang happy ako kung nasaan ka ngayon. You deserve all the blessings coming your way! What I admire most about you is how generous you are. ‘Di lang ikaw ang nagsa-shine, you always make sure na pati ‘yung mga taong kasama mo, lalo na your guests, get their moment to shine too.
“You are truly a perfect example of God’s perfect timing. Everything happens for a reason, and seeing how God continues to bless you is so inspiring.
“Maraming salamat for trusting me and allowing me to be part of your journey. Sobrang grateful ako! Proud of you always, Yengay! To God be all the glory!”
Well, deserve na deserve ni Yeng ang blessings, ‘di ba naman, Ryan Bang?
IBINAHAGI ng broadcast journalist na si Karen Davila sa social media post ang mga larawan kasama ang kanyang pamilya bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-56 na kaarawan.
Kasama rin sa mga larawan ang kapatid niyang si Koleen, na itinuturing din niyang best friend.
Ani Karen, “56 TODAY. Spent the best possible way… with FAMILY. A video call with Lucas. Bonding with my sister, Koleen, who I adore and have always wanted as a best friend. Thank you, Koleen, for being David’s second mom.
“How I wish my parents were strong enough to travel and my brother Karlo was here on this trip! LOVE YOU, MY DEAREST FAM. You are most important to me. I hope I express that enough.
“Thank you, Lord. May You add more healthy years to my life, and may I live them for Your purpose.”
Anyway, happy 56th birthday, Karen. More healthy years ahead!
‘Yun lang, and I thank you.





Comments