Obyus sa boses na nanghihina… KIM, NAGLABAS LANG NG AUDIO RECORDING, ‘DI PA RIN NAGPAKITA SA FANS

ni Julie Bonifacio @Winner | November 23, 2026

Photo: Kim Chiu - IG
Nagbubunyi ang mga tagahanga ng aktres-host na si Kim Chiu sa paglutang ng bago niyang post sa Instagram (IG).
Miss na miss na kasi siya ng kanyang mga faney. Kaya kahit hindi naman mukha ni Kim ang naka-post ay agad silang na-excite. Happy na sila na makita na muli itong nagparamdam sa socmed (social media).
Ipinost ni Kim ang mga nasagap niyang comments sa social media na naghahanap sa kanya at kung saang lugar daw siya ‘nagtago’.
Sey ng mga netizens:
“Nasaan si Kim Chiu?”
“Kim, consistent na absent sa opening ng negosyo.”
“MAGLI-LEAVE NA BA S’YA SA IT’S SHOWTIME?”
“Kim, nasa Tagaytay lang?!”
“Kim Chiu, nasa Canada o ‘Pinas?”
Kalakip ng collage ng mga comments na ipinost ni Kim sa IG ang short voice recording ni Chinita Princess.
“Hello, everybody,” mahinang tinig ni Kim.
Sa background ng audio message ni Kim ay may parang umuulan sa lugar kung saan naroon ang It’s Showtime host.
Sa mahina pero sweet na boses ni Kim ay tila nanghihina siya. Posible kaya na galing sa isang matinding medical treatment si Kim?
Caption ni Kim, “TOMORROW, 8 PM on my YouTube (YT) channel KIM CHIU PH.”
By the time na binabasa ninyo ang aming kolum ay knows n’yo na ang sagot.
Sana, hindi true ang sapantaha namin kay Kim.
Carbon copy ng aktres…
ANAK NI KIRAY, CELEBRITY NA AGAD ANG DATING
PROUD mom si Kiray Celis sa kanyang baby boy na si Hannther. Sunud-sunod ang posts ng aktres ng mga videos at pictures nila sa Instagram (IG).
Isinilang ni Kiray si Baby Hannther last Wednesday, November 18, at 2:57 PM sa St. Luke’s Hospital.
May bigat ito na 6.357 lbs. at mahaba ang shape ng mga paa.
Mukhang nagmana ito sa kanyang amang si Stephan Estopia sa height. Tall, dark and handsome tiyak ang hitsura nito paglaki. Pero ang face ng bagets ay carbon copy ni Kiray.
Caption ni Kiray, “Tapos na ang paghihintay, nandito ka na.”
Ngayon pa lang ay celebrity na agad ang datingan ni Hannther. Mga famous celebrities kasi ang karamihan sa mga nag-welcome sa kanya at nag-congratulate kay Kiray sa comment section.
Kabilang dito sina Ai Ai delas Alas, Marian Rivera, Lovi Poe at Arci Muñoz.
Missing naman ang pagbati ng ‘nanay-nanayan’ ni Kiray sa showbiz na si Vice Ganda.
Baka busy lang si Meme Vice sa shooting ng movie nila ni Vic Sotto.





Comments