top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

ICC ‘pag nabuwag ni Trump, laya na si Digong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 15, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


KAPAG NABUWAG NI US PRES. DONALD TRUMP ANG ICC, MAKAKALAYA NA SI FPRRD KAYA LAGOT ANG MARCOS ADMIN – Desidido si United States President Donald Trump na buwagin ang International Criminal Court (ICC) dahil sa umano'y panghihimasok nito sa justice system ng iba't ibang bansa. Sinimulan na niya ito sa pamamagitan ng travel bans at visa revocations laban sa mga hurado at prosecutors ng ICC, na susundan pa umano ng diplomatic pressure sa mga bansang sumusuporta rito.


Kaya kung tuluyang mabuwag ang ICC dahil kay Trump, makakalaya na rito si former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD). Kapag nangyari ito, tiyak na magiging malaking hamon umano ito sa Marcos administration. Abangan!


XXX


4-0 ANG ISKOR NG NETIZENS SA IMPEACHMENT TRIAL, 4 SA TEAM NI VP SARA AT 0  BOKYA SA HOUSE AT PRIVATE PROSECUTORS PANEL – Ayon sa defense team ni Vice President Sara Duterte, sa apat na araw ng impeachment trial ay inilampaso nila ang House prosecutors at private prosecutors panel.


Dahil dito, binigyan ng netizens sa social media ng iskor na 4-0 ang impeachment trial—4 para sa defense team ni VP Sara at bokya naman ang House at private prosecutors panel. Kung ganito ang magiging takbo ng paglilitis, mukhang mahihirapan talaga ang Marcos administration at Kamara na mapa-impeach ang bise presidente. Boom!


XXX


KUNG SINO ANG MGA UMAASISTE SA 18 'SECURITY NI EX-CONG. ZALDY CO, SILA ANG INISYUHAN WARRANT OF ARREST – Matapos arestuhin at ikulong sina Sen. Rodante Marcoleta at dating Cong. Mike Defensor sa kasong plunder, si Atty. Levito Baligod naman ay inisyuhan ng korte ng dalawang warrant of arrest kaugnay ng dalawang kasong cyberlibel na isinampa ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel.


Sina Sen. Marcoleta, Defensor at Atty. Baligod, na kabilang sa mga umaalalay sa 18 dating security ni former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na nagbulgar umano ng maleta-maleta umanong perang idineliber sa ilang pulitiko at opisyal ng gobyerno, ang inisyuhan ng warrant of arrest. Samantala, wala pa umanong naisasakdal o nakukulong sa mga sinasabing tumanggap ng mga maletang may lamang pera. Tsk!


XXX


SA QUEZON CITY, PATI FINAL SCORE NG PBA GINAGAWANG RAKET NG MGA ILEGALISTA – Noong Hulyo 9, 2026, inaresto ng mga tauhan ni Quezon City Police Director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio ang isang kubrador ng Philippine Basketball Association (PBA) ending sa Anonas, Quezon City.


Grabe na talaga ang mga ilegalistang nagpapatakbo ng raket sa teritoryo ni Mayor Joy Belmonte. Isipin n'yo, pati ang final score ng PBA ay ginagamit na rin sa iligal na pasugal. Buset!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page