Iba raw ang kulay, 'di dilawan.. MARC, DUMALAW SA PUNTOD NI CORY, TINAWAG NA PLASTIC
ni Nitz Miralles @Bida | January 28, 2024

Hindi na sinagot ni Marc Leviste ang comment na “Plastik mo, Marc,” dahil sa post niya na pagbisita sa tomb ni former President Cory Aquino.
Hindi na rin kinailangang sumagot ni Marc dahil ang mga followers na niya ang sumagot sa nag-comment na plastic siya.
In fairness kay Marc, hindi rin niya dinelete ang comment na ‘yun kaya libreng nababasa ng lahat.
Sagot ng kampi kay Marc, hindi plastic ang vice-governor ng Batangas, in love lang kay Kris.
May nagsabi pang kahit magkaiba ang political color nina Marc at Kris, puwede siyang maging dilaw sa pagbati sa pamilya Aquino.
Pinayuhan pa ang tumawag kay Marc ng plastic na irespeto ang bawat isa at magdasal kung wala siyang magandang sasabihin.
Dumalaw si Marc sa puntod ng former president nu'ng birthday nito last January 25.
Nakasama niya sa pagdalaw ang mga kapatid ni Kris at mga supporters nito.
Kung may mga mema, mas marami naman ang natuwa sa gesture ni Marc at sa suporta niya kay Kris at sa pamilya nito.





Comments