top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Iba pang sangkot sa flood control scandal, tila lusot na dahil hanggang ngayon, si ex-Sen. Revilla pa lang ang nakukulong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 3
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | March 3, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


TILA HINDI MANANAGOT LAHAT NG POLITICIANS NA SANGKOT SA FLOOD CONTROL SCANDAL KASI SI EX-SEN. BONG REVILLA PA LANG NAKAKULONG – Sa mga imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee, House Infrastructure Committee, at Independent Commission for Infrastructure (ICI), maraming senador at kongresistang nasangkot sa flood control scandal. Ngunit hanggang ngayon, tanging si dating Senador Bong Revilla lamang ang naipakulong.


Indikasyon kaya ito na ang panawagan ng taumbayan na lahat ng sangkot sa nakawan ay managot ay hindi matutupad? Buset!


XXX


SANA ANG MGA KAYAMANANG NA-FREEZE AY SA KABAN NG BAYAN MAPUNTA, HINDI SA BULSA NG MGA BUWAYA SA PAMAHALAAN – Matapos ipa-freeze ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga bank accounts at ari-arian ng mga pulitiko, kontratista, at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot sa flood control scandal, isinailalim na rin sa freeze order ang 12 bank accounts at iba pang ari-arian ni Pastor Apollo Quiboloy, na nahaharap sa mga kasong paglabag sa anti-child abuse law at qualified trafficking in person.


Sana, kapag napunta na sa gobyerno ang mga kayamang ito, mapunta ito sa kaban ng bayan at hindi sa bulsa ng mga buwaya sa pamahalaan. Period!


XXX


SABLAY ANG IMPEACHMENT COMPLAINTS NG MAKABAYAN BLOC KAYA IBINASURA NG HOUSE JUSTICE COMMITTEE – Umuusok sa galit ang Makabayan bloc matapos ibasura ng House Justice Committee ang unang impeachment case nila laban kay Vice President Sara Duterte na isinampa noong Pebrero 2, 2026. Ayon sa komite, lumabag ito sa 1-year bar rule ng Konstitusyon.


Hindi na dapat magmarakulyo ang Makabayan bloc dahil malinaw naman ang kautusan ng Supreme Court na puwede pa lamang magsampa ng bagong impeachment case laban kay VP Sara simula Pebrero 6, 2026. Ngunit isinampa nila ito noong Pebrero 2, kaya’t tinanggihan ang kanilang reklamo. Boom!


XXX


KAPAG TINOTOO NG NUP NA HINDI SILA BOBOTO SA IMPEACHMENT NI VP SARA, SA KAMARA PA LANG 'DEAD' NA ITO, HINDI NA AABOT SA SENADO – Dalawa sa impeachment complaints laban kay VP Sara ay itinuturing na sufficient in form ng House Justice Committee.


Kapag napunta na ito sa plenaryo, at kung totoo ang sinasabi ng mga miyembro ng National Unity Party (NUP) na hindi sila boboto sa impeachment, asahan na hindi na ito aabot sa Senado—sa Kamara pa lang, puwede nang sabihing “dead on arrival.” Abangan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page