IAN, P500K ANG GUSTONG TF SA 2 ORAS NA PARADA, PLUS P100K ‘PAG LUMAGPAS
ni Beth Gelena @Bulgary | January 19, 2024

Na-bash ang aktor na si Ian Veneracion dahil sa laki ng talent fee na hinihingi diumano ng kanyang road manager na umabot sa P500K para lang sa dalawang oras na pagsama sa parada na gaganapin sa Tarlac.
Isa umano ang aktor sa mga kinuha ng organizer ng Tarlac Festival para maging parte ng parada na gaganapin sa last Sunday ng Enero, 2024.
Nang kinontak umano ang road manager ni Ian, nag-demand ito ng P500K sa public appearance ng actor para sa dalawang oras lamang.
May demand pa raw ang RM na kapag may ibang celebrities na in-invite, dapat ay hindi ito kasama ng aktor sa float. Dapat daw, sarili lang ni Ian ang float.
Ayon pa, dapat ay ibigay na ang 50 percent upon contract signing at ang kalahati ay bago umakyat ng float si Ian.
Nang i-relay na raw ng talent coordinator sa Tarlac Festival organizer ay um-agree naman ito sa P500K talent fee ni Ian. Pero ang mag-additional pa sila ng P100,000 kapag lumampas pa ang event ng another hour after the two-hour deal ang hindi na raw kinaya ng organizer.
Sinabi ng talent coordinator sa road manager na umurong na ang organizer dahil sa additional na P100K per hour.
Sumagot daw ang RM na okay na raw sa aktor kahit wala nang additional payment at tatapusin na ang parada.
Pero sabi raw ng talent coordinator, “Hindi bale na po. Kinokontak ko na po si Piolo Pascual as replacement ni Ian.”
Ayon naman sa nag-ulat, naniniwala siyang ang P500K talent fee for a two-hour appearance is simply too much.
Baka raw RM ang nag-demand ng hefty amount.
Sey naman ng TC, “Hindi. Si Ian talaga ‘yun. Na-experience ko na rin si Ian noon.
Talagang makuwenta siya at nagbibilang talaga siya ng oras.”
Wala pang ibinibigay na pahayag si Ian regarding this matter.





Comments