Huwow! Todo na 'to?! RING NA B-DAY GIFT NI CHIZ KAY HEART, MAS MAHAL PA SA DIAMONDS
ni Nitz Miralles @Bida | February 22, 2024

Photo: Heart Evangelista / IG
Rumarampa na nga sa Paris Fashion Week si Heart Evangelista, pero hindi pa siya masyadong nagpo-post ng kanyang OOTD. Waiting ang kanyang mga fans at followers sa Instagram ng kanyang mga pasabog mula sa bag, shoes, jewelry, makeup at OOTD. Samantala, si Sen. Chiz Escudero rin pala ang nag-design ng tinawag na “Paraiba tourmaline” ring na gift ng senador sa 39th birthday ni Heart. Ang sabi pa, “He (Chiz) added heart-shaped diamonds on the sides, customized by @keichanjapanjewelries2. Paraiba tourmaline is one of the most rare and expensive gemstones in the world. It’s more expensive than diamond.”
Sa sinabing "more expensive than diamond" ang Paraiba tourmaline, curious tuloy tayong lahat na malaman kung magkano ang ring na birthday gift ni Chiz kay Heart.
Hindi raw matatahimik ang mga fans hangga’t hindi nalalaman ang price ng ring na nakitang suot ni Heart sa renewal of vows nila ni Chiz. Kita naman sa mga larawan na kumikinang ang singsing at nakaw-eksena talaga.





Comments