top of page

Huling nakitang kasama ng biktima, posibleng suspek sa krimen

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 17 hours ago
  • 4 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 24, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ang limampung taong gulang kong pinsan na si XX ay pinagbibintangan na pumaslang sa walong taong gulang niyang kapitbahay. Ayon sa mga nakausap ng pulis, may mga nakaraang pagkakataon diumano na nakita ang bata na naglalaro sa harap ng bahay ni XX at narining nila na sinigawan, minura at pinagbantaan ni XX ang nasabing bata na sasaktan niya ito.


Ayon din diumano sa isang saksi, si XX ang huling nakita na pumasok at lumabas sa bahay ng pamilya ng biktima bago natagpuan na mayroon nang mga sugat at saksak ang walang-buhay na katawan ng nasabing bata. Mayroon umanong CCTV footage kaugnay noon. Kumpara rin sa laki ng katawan ni XX, sadya umano na hindi makakapanlaban ang nasabing payat na bata. Bagaman mayroong nakita na kutsilyo malapit sa katawan ng bata, tila walang direkta na ebidensya na nagtuturo na si XX nga ang salarin dahil tila walang nakakita sa insidente sapagkat nasa trabaho ang mga magulang ng bata at siya lamang ang naiwan sa kanilang bahay noong araw na iyon. 


Nangangamba ang pamilya ng pinsan ko na siya ang pagbayarin sa nangyari sa nasabing bata. Mayroon po bang posibilidad na mahatulan si XX para sa krimen na murder kung isinasaalang-alang ang mga nabanggit na impormasyon? Sana ay malinawan ninyo ako.

– Bingo



Dear Bingo,


Ang paghahatol sa isang tao na inaakusahan na gumawa ng krimen ay dumedepende sa pagpapatunay, nang higit pa sa makatwirang pagdududa, ng dalawang mahalagang bagay: una, pagpapatunay na naganap ang krimen; at, ikalawa, pagpapatunay na ang akusado ang siyang gumawa ng krimen.


Sa krimen na Murder, kinakailangan na mapatunayan ng nag-uusig ang mga sumusunod na elemento: una, mayroong taong na napaslang; ikalawa, ang inaakusahan ang pumaslang sa biktima; ikatlo, mayroon ang alinman sa mga qualifying circumstances na nakasaad sa Artikulo 248 ng Revised Penal Code (RPC); at ikaapat, hindi krimen na Parricide o Infanticide ang naganap na pamamaslang.Kaugnay sa ikatlong elemento, ang isa sa mga qualifying circumstances na nakasaad sa Artikulo 248 ng RPC ay treachery o kaliluhan. Ang elemento nito ay ang mga sumusunod: “(1) the employment of means, method, or manner of execution which tend to ensure its execution and which would ensure the offender's safety from any retaliatory act or defense by the offended person; and (2) the means or method used was deliberately adopted by the offender.” (People vs. Boringot, G.R. No. 245544, March 21, 2022, citing People vs.Roelan, G.R. No. 241322, September 8, 2020)


Sa sitwasyon na iyong ibinahagi, masasabi na maitataguyod ang una at ikaapat na elemento ng Murder dahil natagpuan na napaslang ang batang biktima at ang pagkakapaslang sa kaniya ay masasabi na hindi saklaw ng krimen na Parricide o Infanticide.


Kaugnay sa ikalawang elemento, maaaring matukoy na si XX ang salarin, kahit na walang direkta na ebidensya dahil walang nakasaksi na mismong pamamaslang sa batang biktima, kung mayroong maipresenta na circumstantial evidence na magtataguyod sa kaniyang partisipasyon sa krimen. Ang testimonya kaugnay sa mga hindi magagandang pananalita o pagtrato ni XX sa biktima bago ang araw ng insidente, ang testimonya at/o CCTV footage na siya ang huling nakita na pumasok at lumabas sa bahay ng pamilya ng biktima, ang fingerprints na maaaring makuha sa kutsilyo, at kung mayroon pang iba o karagdagan na testimonya o sirkumstansya na mag-uugnay kay XX sa naganap na krimen ay mga salik na maaring mag-ugnay sa kaniya bilang salarin sa naganap na krimen. 


Kaugnay naman sa ikatlong elemento, maaaring legal na isapantaha na mayroong qualifying circumstance na treachery kung isasaalang-alang ang murang edad ng biktima sa matandang edad ni XX, pati na rin ang diperensya sa kanilang mga pangangatawan. Ipinaliwanag ng ating Kataas-taasang Hukuman, sa panulat ni Honorable Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, sa kasong People of the Philippines vs. Rossano Samson y Tiongco (G.R. No. 262579, February 28, 2024):


“It is well-settled that the "killing of a child is characterized by treachery even if the manner of the assault is not shown in the Information, as the weakness of the victim due to his [/her] tender age results in the absence of any danger to the accused." The qualifying circumstance of treachery exists in killing of a child since whatever method the accused-appellant employed, in causing the death of the victim, the same was done without any possibility of danger resulting to himself [/herself] from the child. "The rationale for such treatment is easy to discern—the minor victim cannot be expected to put up any form of effective resistance because of his [or her] tender age, relatively small frame, and inexperience in combat." Moreover, a deadly attack against a minor is easier to execute inasmuch as the minor can offer little, if any, resistance, thereby posing no peril to the attacker. Thus, the mere allegation of Abegail's minority is sufficient for accused-appellant's conviction of murder through treachery.


It is elementary that the lack or absence of direct evidence does not necessarily mean that the guilt of the accused cannot be proved by evidence other than direct evidence. Direct evidence is not the sole means of establishing guilt beyond reasonable doubt, because circumstantial evidence, if sufficient, can supplant the absence of direct evidence.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page