top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En

GMA, nanganganib din daw na matanggalan ng prangkisa pag naging pangulo si Sara?

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 8, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


GMA NETWORK DAPAT KABAHAN KAPAG NAGING PRESIDENTE SI VP SARA KASI BAKA MATANGGALAN DIN SILA NG PRANGKISA TULAD SA NANGYARI SA ABS-CBN NOONG PANAHON NG DUTERTE ADMIN — Ikinagalit ni Vice President Sara Duterte ang ginawang interview ng GMA Network kay former Pat. Rodulfo Gracioso sa isyu ng pagtanggap daw niya ng maletang may pera mula sa dating pulis, at sa galit ng Bise Presidente ay nasabi nitong nais niyang idemanda at hingan ng P200 million danyos ang Kapuso network, na aniya ay kapag ginawa niya ito ay baka magsara ito (GMA Network).


Bagama’t binawi ni VP Sara ang kanyang planong pagdemanda sa GMA Network, dapat pa rin kabahan ang naturang network kapag naging presidente ito (VP Sara) kasi baka matulad sila sa ABS-CBN Network dahil sa tindi rin ng galit ng noo'y President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) sa Kapamilya Network ay pinatanggalan niya ito ng prangkisa sa Kongreso, boom!


XXX


MAHIHIRAPAN ANG MGA AWTORIDAD NA DAKPIN SI CONG. LEVISTE KASI WALANG EXTRADITION TREATY ANG PHILIPPINES SA FRANCE NA KINAROROONAN NGAYON NG KONGRESISTA — Naglabas ng warrant of arrest ang Makati Regional Trial Court (RTC) laban kay Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Leviste kaugnay sa kasong paglabag sa Public Service Act na may kinalaman sa pagkabigo ng kumpanya nitong Solar Philippines na makapag-ambag ng enerhiya sa gobyerno.


Bagama’t may warrant of arrest na, ang malaking problema ng mga awtoridad ay kung paano maaresto si Leviste na kasalukuyang nasa France kasi nga, walang extradition treaty ang Pilipinas sa bansang ito (France), period!


XXX


KAPAG NAPATUNAYANG ADIK AT SA LAKI NI SEC. REMULLA MALAMANG BITBITIN NG DILG SEC. SI VICE MAYOR RESPICIO PATUNGONG REHAB CENTER — Nais ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na ipa-drug test si Vice Mayor Harold Respicio ng Reina Mercedes, Isabela dahil sa pag-umpisa nito ng gulo sa session ng Sangguniang Bayan nang pagsisigawan nito na magnanakaw daw ang mga barangay captains at pagkaraan ay lumabas ng session hall at ang mga pulis naman ang napagdiskitahang sigawan at pagmumurahin sa akalang mga awtoridad ang humarang sa mga magsasaka na makapasok sa munisipyo.


Naku, eh kapag napatunayan na adik si Respicio, at sa laki ni Sec. Remulla ay baka bitbitin siya nito, dalhin at ikulong sa rehab center, abangan!


XXX


KAPAG HINDI NAPATUNAYANG ADIK SI VICE MAYOR RESPICIO, MALAMANG BASH NA NAMAN ANG ABUTIN NI SEC. REMULLA SA SOCIAL MEDIA — Agad tumugon si Vice Mayor Respicio sa sinabi ni Sec. Remulla na ipapa-drug test, na ayon sa vice mayor ay kahit samahan siya ng DILG Sec. ay handa siyang magpa-drug test.


Naku, tila sablay ang sinabi ni Sec. Remulla na nais niyang ipa-drug test si Respicio, kasi kapag sa drug test ay napatunayang hindi adik ang vice mayor, ay malamang bash na naman sa social media ang abutin ng DILG Sec., boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page