top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En

Kakulangan sa mga guro, ‘wag nang ipagpaliban

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Kuya Win Gatchalian @Win Tayong Lahat | October 8, 2026

Win Tayong Lahat ni Win Gatchalian

Noong lumabas ang resulta ng 2025 Programme for International Student Assessment (PISA), hindi lamang ang kakayahan ng ating mga mag-aaral ang ating nakita. Lumabas din sa pag-aaral ang estado ng ating mga pampublikong paaralan, kabilang ang iba’t ibang mga bagay na maaaring nakakaimpluwensya sa kakayahan at kaalaman ng ating mga mag-aaral.

Isa sa mga nakita natin sa resulta ng 2025 PISA ang nananatiling hamon pagdating sa kakulangan ng mga guro. Batay sa resulta ng naturang pag-aaral, lumalabas na 19% ng mga mag-aaral na Pilipino ang nag-aaral sa mga paaralan kung saan iniulat ng mga punong-guro na, sa ilang paraan, nahahadlangan ng kakulangan ng mga guro ang epektibong pagtuturo.

Bagama’t mas mababa ito sa naitalang 43% noong 2022, ipinakita rin ng PISA 2025 na mas mababa ang marka sa agham ng mga mag-aaral sa mga paaralan, kung saan iniulat ng mga punong-guro ang mas matinding kakulangan sa mga guro at iba pang mga kawani.

Malinaw ang mensahe sa atin ng datos na ito: patuloy nating dapat pagsikapan na matutugunan ang kakulangan sa mga guro sa ating mga pampublikong paaralan. Kaya naman, makakaasa ang ating mga kababayan na patuloy na isusulong ng inyong lingkod ang paglikha ng bagong teaching positions sa ilalim ng 2027 national budget.

Sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program, walang pondong inilaan para sa paglikha ng mga bagong posisyon para sa mga guro. Patuloy naman na isinusulong ng Department of Education (DepEd) ang paglikha ng karagdagang 14,274 na bagong teaching positions. Tinatayang aabot sa P4.29 bilyon ang kinakailangan para malikha ang mga bagong posisyong ito.

May paglilinaw naman ang parehong DepEd at Department of Budget and Management (DBM) sa usapin ng pondong kinakailangan para sa hiring ng mga bagong guro. Ayon sa dalawang kagawaran, may nakalaan pang P31.2 bilyon na maaaring gamitin para punan ang 64,530 na mga posisyong dati nang nilikha. 

Sa kabila ng pagkakaroon ng mga libu-libong posisyong ito at ang katumbas nitong pondo, naninindigan ang inyong lingkod na kailangang pagsikapan pa rin nating mapunan ang mga kakulangan sa guro na nararanasan ng ating mga pampublikong paaralan at dapat tuluy-tuloy ang paglikha ng mga bagong posisyon. Kasabay nito, kailangang tiyakin din ng DepEd na mapapabilis nila ang proseso ng hiring upang mapunan ang hinaharap nating kakulangan.

May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City

Comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page