Hubadera lang daw siya, wa' namang utak… IVANA SA MGA BASHERS: INGGIT LANG KAYO!
ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 28, 2021

Palaban talaga at hindi nagpapatalo sa mga bashers ang sexy star na si Ivana Alawi.
Sa guesting niya kasi kamakailan sa online show ni Toni Gonzaga na I Feel U, natanong ang reaksiyon ni Ivana sa mga nangmamaliit sa kanya at nagsasabing 'hubadera lang' siya.
Diretsong sagot ng TV star-turned vlogger, “I know myself. I know that I’m more than ‘paghuhubad.’ Proud ako sa sarili ko, eh. Bakit ako magpapaapekto sa mga taong humihila sa akin pababa?"
Dagdag pa niya, “Maraming ganu'n ang sinasabi, ‘Panay pakita ka lang ng katawan. Wala ka namang utak.’
“But I’m proud of myself. Nakapagtapos ako sa college, natutulungan ko 'yung family ko, and I’m happy."
Sabi pa ni Ivana, wala naman siyang nakikitang mali sa kanyang ginagawa lalo't wala naman siyang sinasaktan o tinatapakang sinuman.
“I’m doing what I’m doing and I’m not hurting anyone, marangal na trabaho."
At sa mga bashers na patuloy siyang hinahamak na katawan lang ang kanyang puhunan kaya siya sumikat at kumikita nang milyones ngayon, mataray na sagot ni Ivana, "Naiinggit lang sila, eh, and I accept that."
Oo nga naman! Paki ba ng iba kung ano'ng gustong gawin ni Ivana sa buhay niya, eh, 'di naman ang mga bashers na ito ang nagpapakain sa kanya at sa kanyang pamilya, 'no?!





Comments