Hot, fresh and young… CHIE FILOMENO, PANTAPAT KAY BEA BILANG CALENDAR GIRL
- BULGAR
- Dec 4, 2021
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 04, 2021

Ang hot, young, fresh and sexy ng bagong Calendar Girl 2022 ng Ginebra San Miguel, Inc. (GSMI) na walang iba kundi si Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 ex-housemate Chie Filomeno.
Ini-launch na nga si Chie bilang pinakabagong Calendar Girl ng Ginebra last December 1.
Bale siya ang pantapat ng GSMI sa kalaban nitong brand na Tanduay kung saan Calendar Girl naman si Bea Alonzo.
Sa virtual mediacon, ipinatanong namin sa host kung nape-pressure kaya si Chie na siya ang pantapat ng Ginebra kay Bea, pero sayang, hindi nasagot ng seksing aktres ang tanong.
Pero base naman sa mga una niyang sagot nang matanong kung ano'ng natutunan niya sa loob ng Bahay ni Kuya, ani Chie, "Never give up, never judge people 'coz we have our own battles in life, be strong."
So, for sure, kung may mga nagkukumpara man sa kanya ngayon kay Bea bilang Calendar Girl, dedma na lang si Chie dahil sabi nga niya, sa dami naman ng pinagdaanan niya sa buhay, ang laki na ng maturity niya at natutunan na niyang i-handle ang mga problema.
Si Anne Curtis daw ang idol niya sa showbiz dahil sa magandang influence nito at pagiging strong sa kabila ng mga challenges sa personal life at career ng misis ni Erwan Heussaff.
When asked kung bakit napapayag na rin si Chie na maging Calendar Girl, ang gusto raw niya ay makapaghatid ng inspirasyon sa mga tulad niyang gustong maging artista na dapat hindi sumusuko sa pangarap hanggang ito ay maabot.
Well, based sa mga pictures ni Chie sa GSMI calendar, ang hot nga nito kaya tiyak na may bago na namang pagpapantasyahan ang mga barako d'yan.
Comentarios