top of page
Rico Blanco at mystery girl - Circulated

‘Hontiveros for President,’ tablado sa Kakampink

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 16 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 7, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


MATAPOS ILUNSAD ANG ‘RISA NA’, PINUTAKTI NA BATIKOS NG MGA KAKAMPINK SI SEN. RISA HONTIVEROS—Matapos ilunsad ng Akbayan at Magdalo ang “Risa Na” para sa 2028 presidential election ay pinutakti na ng batikos ng mga Kakampink ni Naga City Mayor, former Vice Pres. Leni Robredo si Sen. Risa Hontiveros.


May punto ang mga Kakampink na batikusin si Sen. Risa kasi nga napakatagal pa ng 2028 presidential election at may mga kumukumbinsi pa kay Mayor Leni na kumandidato sa pampanguluhang halalan, tapos inilunsad na ng Akbayan at Magdalo ang kandidatura ng senadora sa pagka-presidente.


Kaya kapag talagang tinuldukan na ni Mayor Leni ang pagsabak sa pampanguluhang halalan at itinuloy ni Sen. Risa ang pagtakbong presidente, ay malamang ibasura umano ng mga Kakampink ang kandidatura niya sa 2028 presidential election, period!


XXX


LALONG LALALA ANG BANGAYANG GATCHALIAN BLOC AT CAYETANO BLOC KAPAG ITINULOY ANG PAGSASAMPA NG KASO SA MGA DUMALO SA BLUE RIBBON SUB-COMMITTEE NI SEN. MARCOLETA—Plano raw ng Gatchalian bloc na sampahan ng mga kaso ang mga dumalo sa Senate Blue Ribbon Sub-Committee na pinamunuan ni Sen. Rodante Marcoleta kasi nga raw ang hearing na ito na isinagawa sa loob ng Senado ay walang pahintulot ng bagong majority senators na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian.


Naku, dapat maghunos-dili ang bagong majority senators sa gagawin nilang aksyon na iyan, kasi kapag itinuloy nila ang pagsasampa umano ng kaso ay asahan nang lalong lalala ang bangayan ng Gatchalian bloc at Cayetano bloc sa senador, boom!


XXX


TULAD NG MISIS NIYANG SI SARAH, MARARANASAN NA RIN NI CURLEE DISCAYA MA-CITY JAIL—Naglabas na ng warrant of arrest na “no bail” sa kasong malversation of public fund thru falsification of public document ang Malolos City Regional Trial Court laban sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya at sa iba pang Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa isinagawa nilang substandard na flood control projects sa Bulacan.


Sa ngayon ay nakakulong pa sa detention cell ng Senado si Curlee matapos na siya ay i-contempt ng mga senador, at dahil may criminal case na siya ay asahang mararanasan na rin niyang makulong sa city jail, tulad ng kanyang misis na si Sarah na nakakulong na sa Lapu-Lapu City jail, period!


XXX


DOE DAPAT IMBESTIGAHAN NG SENADO KASI SA PATULOY NA PAGBABA NG PRESYO NG LANGIS SA INTERNATIONAL MARKET, PERO SA ‘PINAS HALAGA NG KRUDO TUMATAAS PA RIN—Last week ay nagkaroon ng good news nang magkaroon ng oil price rollback, pero next week ayon sa Department of Energy (DOE) ay may pagtaas na naman sa presyo ng krudo, partikular sa diesel na may dagdag-presyo kada litro na P4.00-P4.50.


Dapat imbestigahan ito ng Senado kasi dapat ay kada linggo ay tuluy-tuloy ang rollback sa presyo ng langis dahil patuloy naman ang halaga ng mga produktong petrolyo sa international market kaya’t nakapagtataka talaga kung bakit sa kabila na bumababa ang presyo sa pandaigdigang merkado, eh sa ‘Pinas may nagaganap pang oil price hike, buset!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page