Honor student sa Ateneo... Grade 8, ini-live ang pamamaril sa iskul, 2 todas, 9 sugatan
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Jeff Tumbado @News | August 19, 2026

Photo: Grade 8 student namaril sa Ateneo de Zamboanga University habang naka live at ikinasawi ng isang Grade 10 student - Circulated
Dalawang estudyante, kabilang umano ang namaril, ang nasawi sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School (JHS) campus sa Zamboanga City nitong Martes, Agosto 18.
Ayon kay Pol. Major Shiela Mae Chang, ng Police Regional Office 9 Public Information Office, naganap ang shooting incident sa isang classroom sa fourth floor ng Ateneo de Zamboanga na ikinasawi ng Grade 10 student.
Ang suspek naman na isang Grade 8 ay nagbaril umano sa sarili sa fifth floor ng gusali.
Batay sa video footage na iniimbestigahan ng mga awtoridad, unang inatake ng suspek ang isang guro na nakaupo sa mesa subalit hindi tinamaan kaya lumipat sa ibang classroom at binunot ang kalibre 45 na baril at inasinta ang isang estudyante na bumagsak at dead-on-the-spot.
Siyam pa umano ang nasugatan bago nagbaril sa sarili ang suspek.
Sinabi naman ni Zamboanga City Mayor Khymer Adan Olaso, na pumasok sa paaralan ang suspek bitbit ang isang high-powered firearm at kalibre 45 na baril, at nakasuot ito ng body-worn camera at naka-livestream umano ang pamamaril.
Hindi pa matukoy kung ano ang nagbunsod sa suspek, na sinasabing consistent honor student, para magdala ng baril sa paaralan at mamaril.
Kaugnay nito, kinumpirma ng Bureau of Customs na isa sa mga baril na ginamit ng Grade 8 shooter ay inisyu sa kanyang ama, na customs police chief.
Personal namang pagmamay-ari ng ama ang isa pang ginamit na baril na lisensiyado rin.
Sinibak na sa puwesto ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno ang nasabing ama ng mag-aaral.





Comments