top of page
BIDA - DENNIS KAY GELLI- SISIHIN MO ‘YUNG NAGSIMULA NG GULO_IG _dennistrillo & _gellidebel
Search

by BRO @News | October 1, 2026



Banga National HIgh School - Circulated

Photo: Banga National High School / Circulated



Nakilala na ng mga awtoridad ang umano’y “groomer” ng 14-anyos na estudyanteng sangkot sa pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato noong Setyembre 18.


Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, 18 anyos ang taong tinutukoy at taga-South Cotabato rin. Hinahanap na ito ng mga pulis matapos umanong umalis sa bahay nito.


Tatlong estudyante, kabilang ang gunman, ang namatay habang walo ang nasugatan sa insidente.


Nauna nang sinabi ni Remulla na naging aktibo ang suspek sa “deep dark web,” na posibleng nakaimpluwensya sa kanya. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at sa online activities ng suspek.

 
 

ni Justine Berganio @Overseas News | September 24, 2026



Pinagbabaril ng 15-anyos na binatilyo ang mga estudyante sa labas ng Inci Uzmez Vocational and Technical Anatolian High School sa Manisa, Turkey - Circulated

Photo: Pinagbabaril ng 15-anyos na binatilyo ang mga estudyante sa labas ng Inci Uzmez Vocational and Technical Anatolian High School sa Manisa, Turkey - Circulated



Labing-isa ang sugatan, kabilang ang dalawang kritikal, matapos pagbabarilin ng isang 15-anyos na binatilyo ang mga estudyante sa labas ng Inci Uzmez Vocational and Technical Anatolian High School sa Manisa, Turkey nitong Martes.


Ayon sa Justice Minister Akın Gürlek, na-detain ang suspek matapos ang insidente. Kasama rin sa mga dinetine ang kanyang ina, ama at lolo na umano’y may-ari ng baril na ginamit sa pamamaril.


Iniimbestigahan pa ang motibo sa pag-atake. Sa CCTV, makikitang hawak ng suspek ang shotgun habang naglalakad sa mga kalsada bago tumakbo palayo sa paaralan matapos ang pamamaril.


Iniulat na estudyante rin ng naturang paaralan ang suspek. Ayon sa batas ng Turkey, kailangan muna siyang humarap sa korte bago tuluyang maaresto.


Ipinadala ng Education Ministry ang tatlong national investigator sa Manisa habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Ikatlong school shooting na ito sa Turkey ngayong taon.


Kabilang sa mga ipinatupad para sa 2026-2027 school year ang mas mahigpit na gun controls.





MGA PRESONG BABAE INAABUSO, TINO-TORTURE



PANG-AABUSO, torture at kapabayaan sa medical care umano ang nararanasan ng mga babaeng political prisoner sa Myanmar, ayon sa ulat ng Human Rights Watch (HRW).


Mahigit 6,600 babae, kabilang si dating lider Aung San Suu Kyi, at 640 bata ang kabilang sa mahigit 30,000 political prisoners na nadetine mula nang agawin ng militar ang kapangyarihan noong 2021.


Ayon sa HRW sa 17 dating babaeng detainee, ilang bilanggo umano ang binubugbog at sinasailalim sa iba pang uri ng torture. May mga ulat din ng sexual violence at iba pang pagmamaltrato sa loob ng mga kulungan.


Ipinunto rin ng mga dating detainee ang umano’y paulit-ulit na pagkakait ng kinakailangang medical treatment, kabilang sa mga may malubhang karamdaman at mga buntis.


Ayon sa isang dating bilanggo, kinailangan niyang manganak sa selda matapos maantala ang pagdadala sa ospital. Sinabi rin niyang agad na muling ikinadena ang kanyang mga paa matapos manganak.


Ang mga babaeng ito ay kinasuhan sa ilalim ng iba’t ibang batas na ginagamit laban sa mga kritiko at itinuturing na political opposition. Patuloy namang hindi nagbibigay ng komento ang military-backed government.


Samantala, tinatayang 100,000 katao na ang namatay at mahigit 3.5 milyon ang nawalan ng tirahan dahil sa patuloy na digmaan sa Myanmar matapos ang kudeta.

 
 

by Mervin Reyes @News | September 20, 2026



Kagawad, niratrat ng pulis

Photo: Ang Banga National High School sa South Cotabato matapos ang pamamaril ng Grade 9 student - DepEd PH



Nasa deep dark web umano ang suspek sa pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato, na ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ay nakaimpluwensya sa kanya.


"He was into deep dark web which influenced him," pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla nitong Sabado.


Ayon kay Remulla, nakakita ang mga imbestigador ng mga note sa cellphone ng suspek tungkol sa kanyang depression na umano'y nagpapatuloy at natuklasan noong Abril 2026.


"According to his phone, he left several notes detailing his depression at tuluy-tuloy ito (this went on). It was discovered in April 2026. Parents tried to handle the situation ngunit nagkulang (but it was not enough)," ani Remulla.


Wala rin umanong ulat na may nakaaway o na-bully ang estudyanteng shooter at random ang ginawa nitong pamamaril o walang tinarget.


Matatandaang naganap ang shooting ala-1 ng hapon nitong Biyernes. Tatlo ang nasawi—dalawang estudyante at ang suspek—habang walo ang nasugatan.


Ayon kay Remulla, ang ginamit na baril ay pag-aari ng ama ng suspek, isang disaster risk mitigation officer ng Department of Education (DepEd).


"May 3 licensed firearms ('yung ama). Hindi secured enough. Kinuha ng bata ang baril," aniya.


Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na sinusuri ng mga imbestigador ang mga pangyayari at kilos na nauna sa pamamaril upang matukoy kung ano ang humantong dito.


Sinusuri rin ng mga awtoridad ang cellphone at iba pang gadgets ng suspek para sa forensic investigation. Ayon kay Remulla, nagpapakita rin ang records ng kanyang aktibidad sa social media at internet na may violent content.


"Tingnan n'yo. It is not a privacy issue. Anak n'yo 'yan... Nalulublob sila sa malalalim at madidilim na websites," panawagan ni Remulla sa mga magulang.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page