Hindi na kailangan ng marriage license kung nagsasama nang mahigit 5 yrs.
- BULGAR
- Oct 14, 2021
- 1 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 14, 2021
Dear Chief Acosta,
Tatlong taon na kaming nagsasama ng aking nobyo, subalit hindi pa rin kami ikinakasal. Plano na naming magpakasal sa susunod na buwan dahil nagdadalang-tao na ako, subalit may nakapagsabi sa aming dahil nagsasama na kami ay hindi na namin kakailanganin pang kumuha ng marriage license. Tama ba ito? – Marian
Dear Marian,
Para sa inyong kaalaman, ayon sa Article 34 ng Family Code of the Philippines, ang dalawang taong nagsasama na parang mag-asawa ng hindi bababa sa limang taon ay maaaring magpakasal kahit walang marriage license. Ayon sa nasabing batas:
“Art. 34. No license shall be necessary for the marriage of a man and a woman who have lived together as husband and wife for at least five years and without any legal impediment to marry each other. The contracting parties shall state the foregoing facts in an affidavit before any person authorized by law to administer oaths. The solemnizing officer shall also state under oath that he ascertained the qualifications of the contracting parties are found no legal impediment to the marriage.”
Sa inyong sitwasyon, sa kadahilanang tatlong taon pa lamang kayong nagsasama, kinakailangan pa rin ninyong kumuha ng marriage license bago kayo makapagpakasal.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments