Hindi maaaring pigilan ang pagdaloy ng tubig
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | March 19, 2021
Dear Chief Acosta,
Mayroon akong maliit na palayan sa probinsiya kung saan mayroong tubig na dumadaloy mula sa itaas na sapa. Gayunman, ang may-ari ng nasa ibaba na lupain ay pinipigilan ang natural na pagdaloy ng tubig kaya’t nasisira ang aking mga pananim. Maaari po ba niyang gawin ito? – Carl
Dear Carl,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Republic Act No. 386, o mas kilala bilang Civil Code of the Philippines. Nabanggit sa nasabing batas na:
“Art. 637. Lower estates are obliged to receive the waters which naturally and without the intervention of man descend from the higher estates, as well as the stones or earth which they carry with them.
The owner of the lower estate cannot construct works which will impede this easement; neither can the owner of the higher estate make works which will increase the burden. (552)”
Malinaw na nabanggit sa batas na hindi maaaring pigilan ng mag-ari ng lupain na nasa ibaba ang natural na pagdaloy ng tubig kapag ito ay nagdudulot ng pagkasira ng lupain na nasa itaas nito, sapagkat obligado siyang tanggapin ito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay naka base sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments