Hindi maaaring itanggi ng nangungupahan ang karapatan ng nagpapaupa
- BULGAR

- Jan 27, 2021
- 2 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | January 27, 2021
Dear Chief Acosta,
Pinaupahan ng aking mga magulang ang aming bahay at lupa sa Quezon. Labing-pitong (17) taon na rito ang mga nangungupahan at buwanan ang bayad nila sa renta. Tatlong (3) buwan sa pinakahuling contract of lease na kanilang pinirmahan ay ayaw nang magbayad sa amin ng mga umuupa dahil hindi naman diumano kami ang may-ari ng bahay at lupa, sapagkat hindi pa nailipat sa aking mga magulang ang titulo ng mga ito. Tama ba sila? – Nami
Dear Nami,
Mahalaga na inyong malaman na sa pagitan ng nagpapaupa at nangungupahan, hindi maaaring itanggi ng huli ang karapatan ng nagpapaupa at angkinin ito bilang kanyang pagmamay-ari. Base sa Article 1436 ng Civil Code:
“Art. 1436. A lessee or a bailee is estopped from asserting title to the thing leased or received, as against the lessor or bailor.”Kaugnay ng nabanggit na probisyon, isinasaad sa Section 2(b), Rule 131, Rules of Court na:
“Section 2. Conclusive presumptions. — The following are instances of conclusive presumptions:
(a) Whenever a party has, by his own declaration, act, or omission, intentionally and deliberately led to another to believe a particular thing true, and to act upon such belief, he cannot, in any litigation arising out of such declaration, act or omission, be permitted to falsify it:
(b) The tenant is not permitted to deny the title of his landlord at the time of commencement of the relation of landlord and tenant between them. (Binigyang-diin)Sa inyong sitwasyon, hindi maitatanggi ng nangungupahan ang inyong ugnayan dahil sa kanilang alegasyon, sapagkat napapaloob sa kasunduaan ang inyong transaksiyon. Maliwanag na kinilala na nila ang karapatan ng inyong mga magulang sa ari-ariang kanilang inuupahan nang mahabang panahon na.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




Comments