Hindi lang sila… SB19, HAPPY NA NOMINADO RIN ANG BINI SA 69TH GRAMMY AWARDS

ni Vinia VIvar @Frankly | November 20, 2026

Photo: SB19 at BINI - FB
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang P-Pop superstars na SB19 sa malaking blessing na kanilang natanggap matapos mapasama ang kantang VISA sa Best Asian Pop Music Performance category ng 69th Annual Grammy Awards.
Sa live session ng Kings of Pop sa kanilang YouTube (YT) channel, ipinahayag ng limang miyembro na sina Pablo, Stell, Justin, Josh and Felip ang kanilang initial reactions the moment na nakarating sa kanila ang napakagandang balita.
Ayon kay Pablo, nasa Cavite raw siya sa kanyang mga magulang nang mabalitaan niya na napili nga ang kanilang awitin bilang isa sa mga nominees.
“Actually, nagulat ako, kasi ‘yung nasa Cavite ako n’yan, bumisita lang ako sa mga magulang ko. Nagkukuwentuhan kami ng kung anu-ano,” tsika niya.
Maya-maya raw ay bigla na lang daw nag-congratulate sa kanya ang parents niya.
“At nakita ko nga, ang daming nag-chat sa GC (group chat) ng team natin,” aniya.
Sabi naman ni Stell, natutulog na raw siya nang lumabas ang announcement at nalaman na lang niya the following day nang madaling-araw.
“Tulog na ‘ko nu’n nu’ng nag-message ‘yung team. Tapos, nabasa ko s’ya paggising. Ta’s ang hirap mag-celebrate kasi nagising ako, 4:00 AM. Sabi ko, ‘Wow!’” sey ni Stell.
“Pero alam mo ‘yun, ‘yung parang nagulat ako. Pagkagising ko, ‘yun agad ang bumungad sa ‘kin. So good mood talaga s’ya, nakaka-good mood. Pero at 4 AM, parang ang hirap mag-ingay kasi tulog po ‘yung kapitbahay,” dagdag pa niya.
Sabi ulit ni Pablo, “Ang hirap din pala tanggapin ng mga blessings ‘pag sunud-sunod din s’ya, parang ‘di mo ma-process.”
Aminado naman si Justin na napakagandang taon ang 2026 hindi lamang sa kanilang grupo, kundi sa buong OPM industry.
“I mean, ‘yung mga nangyayari ngayon, like katulad nitong Grammy, Coachella, even ‘yung mga last this year, parang it’s a good year for OPM, for the Filipino music,” sey niya.
Natutuwa rin ang SB19 na tulad nila ay nominado rin ang BINI sa parehong kategorya sa Grammys at binati rin nila ang Nation’s Girl Group.
“So it’s really very high time na rin for the Filipino music to be introduced sa buong mundo,” saad pa ni Justin.
Paulit-ulit ding nagpasalamat ang P-Pop Superstars sa kanilang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanila mula noon hanggang ngayon.
SINO nga ba ang mga celebrities na may glowing at healthy-looking skin na hinahangaan ng isang skincare expert?
May sariling listahan ang founder ng ÉLAN Ivory Glow beauty line na si Dra. Nathalie Ordanza, at ilan sa mga pangalan ay talagang kilala sa kanilang ageless beauty at radiant complexion.
Sa isang event kasama ang ilang mga industry insiders, ibinahagi ni Dra. Ordanza ang mga celebrities na hinahangaan niya pagdating sa skincare at beauty. Aminado rin siyang dream niya na maging endorsers ng kanyang skincare line ang ilan sa mga ito.
Isa sa mga unang nabanggit ni Dra. Ordanza si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na kilala sa kanyang glowing skin at timeless beauty.
“I would love to have Marian Rivera—her glowing skin is iconic—but she already champions her own skincare brand,” nakangiting pahayag nito.
Bukod kay Marian, kabilang din sa kanyang admired celebrities sina Dawn Zulueta because of her timeless elegance, Alice Dixson sa kanyang age-defying radiance, at ang fresh-faced beauties na sina Sue Ramirez, Lorna Tolentino, at Kathryn Bernardo.
Ayon kay Dra. Ordanza, magkakaiba man ang skin types ng mga celebrities na ito, iisa ang kanilang pagkakapareho: ang commitment sa healthy at glowing skin sa pamamagitan ng consistent at maingat na skincare routine.
Para sa skincare expert, hindi lamang tungkol sa pagsunod sa beauty trends o pagpapalit ng kulay ng balat ang tunay na skincare.
Hindi lamang isang ordinaryong negosyante si Ordanza dahil siya mismo ang personal na gumagawa ng formulation ng bawat produkto ng kanyang brand.
Sa halip na umasa lamang sa mga ready-made skincare formulation, mas pinili niya na pag-aralan, konseptuwalisahin, at bumuo ng sariling formulation designs para sa kanyang mga produkto, gamit ang kanyang kaalaman sa healthcare, scientific research, at mga aktibong sangkap na ginagamit sa skincare.
Kabilang sa mga produktong ito ang Brightening & Cleansing Bar Soap, Radiance Defense Facial Mist, Renewal Lotion, Facial Repair Cream, Facial Repair Serum, Underarm Brightening Cream, Intimate Area Brightening Cream, at Revita+ PDRN Facial Cream.
Sa loob lamang ng anim na buwan, nakapagtala na ang brand ng iba’t ibang national at international recognitions at mga oportunidad para sa retail expansion.
Isa sa pinakamahalagang tagumpay ng ÉLAN Ivory Glow ang pagkakamit nito ng 2026 Australian Award for Excellence in Cosmetic Formulation.





Comments