Natigil nang mawala siyang governor… GOV. VILMA, GINAWANG BATAS NA ANG TAUNANG SELEBRASYON NG ALA E! FESTIVAL

ni Julie Bonifacio @Winner | November 20, 2026

Photo: Gov. VIlma Santos-Recto - Ala E
Na-miss ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa ginanap na media conference ng Ala E! Festival, especially ng mga officers and members ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na personal niyang inimbita sa Batangas for this event.
Nagkataon naman na nagkasakit si Gov. Vi kaya kahit gusto niyang i-welcome ang bawat isa, hindi na talaga kakayanin. But just the same, pinilit pa rin niya na makapagpadala ng voice message kahit malat na malat ang kanyang boses.
Sey ni Gov. Vilma, “Kasi minsan, they asked me to rest one whole week and in two days, bumabalik ulit ako sa trabaho. And they were saying na I’m not 20 anymore. I’m 37 na,” na idinaan pa rin sa biro ang kanyang mensahe.
Sa edad nga naman kasi ni Gov. Vi na 73, dapat talaga ay todo-ingat na siya sa kanyang kalusugan.
Humingi ng pasensiya si Gov. Vi pero inihabilin naman niya ang pag-aasikaso sa mga taga-PMPC sa kanyang staff sa Kapitolyo.
Pagpapatuloy pa niya, “At sa mga taga-PMPC, to all of you, enjoy Batangas and help promote naman our tourism project Ala E! Festival. It’s going to be on December 1 to 8, please? At the same time, you’re also invited.
“Enjoy our products and the food, to all the people who came here like our friends from the PMPC and to all of you. And of course, to all my friends in the Capitol, kayo po muna (ang bahala).
“Matigas daw ang ulo ko. ‘Di ko talaga kayang humindi. Hoarse voice now, so please understand. Uhm, I just need to rest now for the whole week. Thank you and I love you all. Thank you, hope you understand.”
Nakakabilib talaga ang effort ni Gov. Vi sa pag-aasikaso sa Batangas. Ramdam namin ang panghihinayang niya sa hindi pagdating sa muling paglulunsad ng Ala E! Festival.
After her last term as governor ng Batangas noong 2015, nahinto rin ang festivities ng Ala E!. At ngayong nagbalik si Ate Vi as Batangas governor, muli niya itong binuhay na magsisimula sa December 1 hanggang 8.
Ini-reveal ng mga bumubuo sa panel during the mediacon na may batas na raw na pinirmahan si Gov. Vi na nag-uutos para sa taunang selebrasyon ng Ala E! Festival. Kaya kahit may iba pang pumalit o sumunod na governor ng Batangas, hindi na uli matitigil ang selebrasyon ng Ala E! Festival.
Kabilang sa panel na humarap sa mga taga-PMPC ay sina Pedrito Martin M. Dijan, Jr. (Chief of Staff), Sarah Marie D. Adolfo (OPG Head), Atty. Joel L. Montealto (Provincial Administrator), Mayor Marvey Mariño (Batangas City), Jaida M. Castillo (PTCAO Head) at Christina Marie G. Catalan (BPIO Head).
Ipinaliwanag din nila ang pagkawala ng letrang ‘H’ sa Ala E!. Pormal na inihayag ng Pamahalaang Panlalawigan ang paggamit ng ‘ALA E!’ bilang opisyal na baybay at pangalan ng pangunahing kultural na pagdiriwang ng lalawigan.
Ang katagang ‘e’ sa natural na pananalita ng mga Batangueño ay nagtatapos sa malinaw na patinig (vowel sound) at walang tunog ng paghinga (aspirated sound) na idinudulot ng letrang ‘H’.
Klaro ‘yan, ha?
Super enjoy, nakalimot…
GLAIZA, TODO-TALON SA PARTY NI ANGELICA KAHIT BUNTIS
MASAYANG nag-celebrate ng kanyang 40th birthday ang aktres na si Angelica Panganiban noong November 4.
Ibinahagi niya sa Instagram (IG) ang isang video kung saan mapapanood ang mga celebrities na dumalo sa kanyang party.
Caption ni Angge, “Kaligayahang walang mapaglagyan. Salamat, salamat, salamat!!!”
Kabilang sa mga personal na bumati sa aktres sina Anne Curtis, Heart Evangelista, ABS-CBN Chief Operating Officer (COO) for Broadcast Cory Vidanes, Glaiza de Castro, Zanjoe Marudo kasama ang misis niyang si Ria Atayde, Ketchup Eusebio, Jason Gainza, Direk Andoy Ranay, Cherry Pie Picache at marami pang iba.
Nagkomento rin ang mga kaibigan ni Angelica tungkol sa masayang selebrasyon.
Sabi ni Direk Andoy, “Grabe ‘to!”
“Napakasaya, para lang tayong mga teenager,” reaksiyon naman ni Glaiza.
Nag-reply si Angge sa comment ng aktres at sinita naman si Glaiza ni Ketchup sa sobrang pag-e-enjoy sa party sa kabila ng kanyang pagbubuntis.
Sagot ni Angelica, “Ikaw ‘yun! Akala mo ‘di ka buntis!”
“Talon ka nang talon d’yan,” paninita ni Ketchup.
‘Yun na!





Comments