top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 17, 2025



FRANKLY - ANGELICA, UMAMING AYAW NANG MAKATRABAHO ULI SI ANGEL_IG _iamangelicap & FB Angel Locsin

Photo: IG _iamangelicap & FB Angel Locsin



Finally ay ini-reveal na ni Angelica Panganiban kung ano ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya.


Sa grand mediacon ng pinagbibidahan niyang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 official entry, nabanggit ng aktres na ayaw na raw niyang maulit ang nangyari sa kanya noon na nagsisi siya sa pagtanggi sa isang magandang proyekto. 


Kaya naman, nang i-offer sa kanya ang MMFF entry this year, tinanggap niya agad ito.


“Nangyari na kasi sa akin ‘yun before, eh, na hanggang ngayon pinagsisisihan ko. So, ‘pag may maganda akong project na dumarating sa akin ngayon, ayokong palampasin,” sabi ni Angge.


Sa panayam sa aktres ni MJ Felipe para sa Cinema One, tinanong siya kung mayroon ba siyang pelikulang pinagsisisihan niyang hindi tinanggap.

Sagot ni Angge, “Meron, ‘yung Four Sisters…


Ang tinutukoy ng aktres ay ang Four Sisters And A Wedding (FSAAW) na ipinalabas noong 2013 at pinagbidahan nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Toni Gonzaga at Shaina Magdayao. 


Sey ni Angelica, siya sana ang gaganap sa role na napunta kay Shaina sa nasabing pelikula.


Nang tanungin kung bakit hindi niya ito tinanggap, inamin niyang hindi raw naging maganda ang ending nila ni Angel Locsin nang gawin nila ang pelikulang One More Try (OMT) noong 2012.


“Kakatapos lang kasi naming gawin ‘yung One More Try. Hindi naging maganda ‘yung ending namin ni Angel noon, so nag-give way na lang ako,” paliwanag niya.


“Maging magkaibigan na lang tayo sa labas ng trabaho. ‘Wag na muna tayong mag-work ulit,” sey pa niya sa naramdaman niya kay Angel noong panahong iyon.

Hanggang ngayon nga raw ay hindi pa niya pinapanood ang naturang pelikula na matatandaang naging blockbuster hit at naging iconic pa ang mga dialogues ng mga bida.

“Bubog ko ‘yun,” sey pa ni Angge tungkol sa pelikula.


Well, ano kaya’ng nangyari sa kanilang dalawa at ayaw na niyang makatrabaho si Angel Locsin?


Bukas ang BULGAR sa pahayag ng aktres.



Naniniwala si Joross Gamboa na malapit nang magunaw ang mundo kaya naman lately ay naka-focus siya sa eschatology, ang theological study of the ‘end times’ at ang final destiny of humanity.


Sa kanyang panayam sa digital show ni Toni Gonzaga na Toni Talks (TT), sinabi niyang nagsimula raw siyang maging curious tungkol sa salvation noong 2023.

Matatandaan ding nitong Hunyo 2025 ay nagtapos ang aktor ng kursong AB Biblical Studies sa Global-Life University (GLU).


Sa naturang panayam ay tinanong siya ni Toni kung bakit siya fascinated sa end times.

“Naniniwala ako na malapit na ang end of the world. I mean, for example, nasaksihan ko noon ang simula ng pagkatuyo ng Euphrates River,” aniya.


Sagot naman ni Toni, “Ah, the signs because it’s written in the Bible. Before He comes, may mga mangyayari.”


Pagsang-ayon naman ng aktor, “Oo, mga prophecies.”

Dagdag pa niya, “‘Pag nanonood ka ng news, tapos nagbabasa ka ng Bible, nagiging aligned.”


Seryoso rin niyang pinag-aralan at inintindi ang Bible sa pamamagitan ng audio books.

“Siguro sa audio Bible, almost 4 times ko na itong pinakinggan from cover to cover. Pati ngayon, ang inaaral ko na ay ‘yung Greek version at saka Hebrew,” aniya.


Sa pagtatapos ng panayam ay sinabi ni Toni na wala na raw ang dating Joross.

“The old Joross is gone and the new has come,” ani Toni.


Noong Nobyembre ay nagpa-baptize sa tubig (water baptism) si Joross Gamboa kasama ang kanyang pamilya, publicly declaring their commitment to Jesus Christ.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 14, 2025



Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-open-up si AJ Raval tungkol sa kanyang naging journey sa pagiging single mom at a young age of 17.


Sa pamamagitan ng tila mahabang open letter para sa 8-year-old daughter na ipinost niya sa Instagram (IG), binalikan ni AJ ang naging experience niya sa pagiging batang ina.


“There were days I looked at us and thought ‘How are we going to make it?’ I was 17, scared, broke, and trying to figure out how to be a mom when I still felt like a kid myself. Sometimes it honestly felt like a child raising a child. We argued, we cried, we struggled, and there were moments when life felt too heavy for both of us,” simula ni AJ.





Aniya pa, wala siyang pera noon, walang bahay, walang trabaho at tanging sila lang dalawa ng anak niya ang magkasama.


“We had no money. No stable income. No home of our own. Just two girls trying to survive in a world that wasn’t built to make it easy for us,” aniya.


Pagre-reveal pa niya, dahil wala siyang pera, nanganak lang siya sa lying-in clinic at nagrerenta ng maliit na apartment.


“We were so broke that we ended up living in a tiny P5,000 apartment with barely enough space, barely enough of anything. I gave birth in a Lying-in Clinic. And there were nights I wished I could run to my parents, crawl back into that safety I used to have. But I didn’t want to be a burden. I didn’t want to feel like I was failing or asking for too much. So I held it all in,” pagbabalik-tanaw ni AJ.


Pero kinaya raw niya lahat ng hirap all because of her daughter.

“But we did it. We kept going even when it felt impossible. You were small, but you saved me in big ways. Your tiny hands and loud little voice reminded me that I had something worth fighting for. You’re a blessing I never knew I needed, but the greatest one I ever received,” ang mensahe pa niya sa anak.


“Every challenge we faced made us stronger. Every night we went to sleep unsure of tomorrow, we still woke up and tried again. We didn’t have much, but we had each other and that was enough to carry us this far,” patuloy niya.


“And now here you are… 8 years old. Smart. Strong. Funny. Wild. Beautiful. You’re everything I dreamed you’d be and more. ‘When I look at you, I don’t just see my daughter. I see my survival. I see my growth. I see the reason I learned how to fight, love, and rebuild my life.

“Happy birthday to the girl who turned my struggle into strength. We made it through the hardest parts, and I promise the rest of your story will be filled with warmth, love, and a home built from everything we’ve survived,” ang madamdaming mensahe ni AJ sa panganay na anak.


Kamakailan nga lang nang aminin ng dating Vivamax Queen sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) na lima na ang kanyang anak at ang panganay nga ay 8 years old na ngayon. 


Ang pangalawa niyang anak ay patay na. At ang tatlo naman ay anak niya kay Aljur Abrenica.



NGAYONG darating na Lunes, December 15, ang ika-150 na kaarawan ng ating bayaning si Heneral Emilio Jacinto na nakilala bilang ‘Utak ng Katipunan’ at author ng Kartilya ng Katipunan


Kaugnay nito ay nagdaos ng intimate press conference ang kanyang mga kaanak sa historical Kamuning Bakery ni Wilson Lee Flores last Friday. Ito ay upang alalahanin ang naturang bayani na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa sa puso ng kanyang mga kaanak.


Sa nasabing pagtitipon ay naibalita nga ng isa sa Jacinto descendants na si Atty. Dulce Blanca Tadle Punzalan na kasalukuyang binubuo na ang bioflick ng kanilang great grandfather.


Wala pa kasing bioflick na nagagawa ever for Emilio Jacinto at lagi lang itong napapasama sa life story movie ng ibang bayani. 


Ang mga aktor na gumanap na as Emilio Jacinto sa mga historical films ay sina Joem Bascon sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo (2014), RJ Agustin sa TV series na Katipunan (2013), Smokey Manaloto and Cris Villanueva in Bayani TV series (1995), Ariel Rivera in the musical, 1896 (1995) at Vic Robinson in the musical Pingkian (2024).


Sa binubuong bioflick ni Jacinto ay wala pa raw napipisil na gaganap sa naturang bayani subalit isa sa mga ikino-consider nila for the role ay si Benedix Ramos na isa sa cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 official entry na Bad Boys 2: After School (BB2AS).


Ang magpo-produce raw ng pelikula ay ang CreaZion Studios dahil ang isa sa mga may-ari nito ay apo ni Heneral Emilio Jacinto.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | December 5, 2025



FRANKLY - AHTISA, ‘DI NANINIWALA SA DAYAAN SA MISS U 2025_FB Ma. Ahtisa Manalo

Photo: FB Ma. Ahtisa Manalo



Dedma na si Ahtisa Manalo sa lahat ng magi controversies and issues sa Miss Universe 2025 na pinagpiyestahan ng buong mundo recently. 


Isa nga sa mga issues na ito ay nagkaroon umano ng dayaan at maraming disappointed sa resulta ng pageant.


Sa kanyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) last Wednesday, natanong si Ahtisa kung disappointed siya being part of the pageant at ayon sa MU 2025 3rd runner-up, “No, not all.”


Paliwanag niya, “I was living my dream, and I was focused on getting the goal of Miss Universe 2025, and frankly, everything else around me. I didn’t really care that much for whatever was happening around me. In the sense na ang goal ko, maging Miss Universe 2025 and there will always be drama wherever you are in life.”


Dagdag pa niya, “So sa akin, focused lang ako. Whatever is happening around me, it’s okay.”

When asked about her assessments on all the issues including the rigging allegations, aniya ay mahirap daw paniwalaan kung ano ang totoo at hindi.


“I’ve been in pageants for 18 years, and I know that not all news is factual when it comes to pageants. It’s hard to know kung ano ang tsismis at kung ano ‘yung totoo.

“So for me, I always make sure that I don’t judge based on what I hear, especially if there is no evidence to it,” aniya.


“If I’m presented with facts, then I might change my opinion, but with no facts, it is what it is,” she added.


At sa lahat ng mga nangyari sa pageant, aniya ay tapos na ‘yun at nais na niyang mag-move on.


“It happened na. You know, there will always be things in life na hindi natin magugustuhan ‘yung resulta. And that goes for anything, even this competition.


“And to me, tapos na s’ya, wala na tayong magagawa about it. Let’s just move on with our lives,” saad ng beauty queen.


Marami kasing pageant fans na hindi pa rin makausad hanggang ngayon.



HINDI akalain ng 9-year-old singer-songwriter na si Love Kryzl na magiging viral ang music video ng kanyang original song na Kayong Dalawa Lang kung saan ay tampok si Kiray Celis at ang fiancé nitong si Stephan Estopia.


Nang ilabas kasi ni Kiray ang wedding scenes nila sa music video, inakala ng lahat na kasal na sila ni Stephan at ibinalita na sa lahat ng mga online sites that day. Ang dami ring nag-share nito sa social media at binati ang ‘bagong kasal’.


Sa launching ng single na ginanap last Tuesday, ayon kay Love Kryzl na bagama’t hindi niya in-expect, sobrang happy siya na nag-trending ang wedding scene ng kanyang Ate Kiray at Kuya Tepan.


For one, regalo raw talaga niya ang kantang ito kina Kiray at Stephan para sa nalalapit na kasal ng mga ito ngayong Disyembre. Naging close ng kanyang pamilya si Kiray dahil ambassador ito ng mga produkto ng Purple Hearts kung saan ay CEO si Love Kryzl.


Kinunan ang music video sa Las Casas Filipinas de Azucar at ayon kay Love Kryzl, nag-enjoy siya during the shoot dahil sa magagandang tanawin sa lugar.


Samantala, when asked about her participation sa kasal ng dalawa, aniya ay siya ang little bride. Bukod sa kanta, wedding gift din niya sa husband and wife-to-be ang hotel reception venue ng kasal at ang event styling ni Gideon Hermosa. 


Not only that, bumili rin daw siya ng kanyang Purple Hearts products para isama sa wedding giveaways nina Kiray at Stephan.


Ang kantang Kayong Dalawa Lang at ang music video nito ay ipinrodyus ng Purple Hearts Production, isang in-house company ng Kryzl Group of Companies. 


Inanunsiyo rin na si Love Kryzl ay maglulunsad pa ng isang single ngayong taon at inaasahang magkakaroon ng concert ang batang CEO sa susunod na taon.

Ang music video ng Kayong Dalawa Lang ay mapapanood na sa Love Kryzl Facebook (FB) page at sa Love Kryzl’s World YouTube (YT) Channel.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page