top of page
Search

by Info @ News | December 6, 2025



Netflix at Warner Bros

Photo: Netflix / Warner Bros



Inanunsyo ng streaming platform sa Netflix na nakatakda nitong bilhin ang television and film studios at streaming division ng Warner Bros. Discovery sa halagang $72 billion.


Sa isang pahayag, sinabi ng streaming platform na nagkaroon ng kasunduan na ia-acquire ng Netflix ang Warner Bros., kabilang ang mga studio nito sa pelikula at telebisyon, HBO Max at HBO.


"Together, we can give audiences more of what they love and help define the next century of storytelling," ayon kay Netflix co-CEO Ted Sarandos.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | November 23, 2025



Robin Padilla  - VIva

Photo: Robin Padilla / FB


Balik-VIVA si Sen. Robin ‘Binoe’ Padilla. 

Sa isang espesyal na contract signing sa Viva Office, panay throwback ang naging topic with Binoe lalo’t ang karamihan nga sa mga naroroon ay kagaya naming mga ka-batch o ka-liga niya sa industriya.


“Nakakatuwa. Ibang klase ang pakiramdam na nakikita ko ‘yung mga nakasabayan ko, inabutan ko sa industriyang nagkanlong sa akin sa mahabang panahon. 


“Walang problema, hindi problema ang pinag-uusapan kundi entertainment lang,” bahagi pa ng naging kuwentuhan namin sa senador na nag-off muna ng tsikahan tungkol sa pagiging pulitiko niya.


Tapos na pala ang Bad Boy 3 (BB3) movie na very soon ay ipapalabas na sa mga sinehan. Limang mga movies pa ang nakatakda niyang gawin under Viva bilang co-producer siya.


Nilinaw ni Binoe na nang dahil sa mataas na cost ng production, ang talent fee (TF) niya ang naging ambag niya sa Viva, kaya raw mayroong RCP Films (Robinhood Cariño Padilla) sa collab projects nila.


“Handa ka ba sa mga nega bashing sa ‘yo sa pagbabalik-movie mo?” tanong ng isang

kasamahan sa trabaho. 


“Sanay na tayo d’yan. Ano pa ba ang hindi naibabato sa akin? Pero rito sa showbiz, ‘yung mga personalan, hindi ganu’n nagtatagal. ‘Pag nakausap mo na ‘yung tao na iniintriga sa ‘yo, madaling magkapatawaran. 


“Sa pulitika, iba. Pero nasanay na rin ako. Salamat sa mga iskandalo at intriga sa showbiz, ini-ready ‘yung kalooban natin,” sagot ni Binoe.


Ang ilan sa mga binanggit ni Binoe na makakasama niya sa BB3 movie ay sina Dennis Padilla, Phillip Salvador, Ruffa Gutierrez, Kylie Padilla at marami pa raw na dati niyang mga katrabaho.


Mukhang kinakausap na rin si Megastar Sharon Cuneta para sa part 2 ng kanilang Maging Sino Ka Man (MSKM) movie, plus dream din daw niyang makatrabaho si Ruru Madrid dahil sa passion nito sa Pinoy action gamit ang Pinoy martial arts. 

Na-mention din niya si Coco Martin at ang pamangkin na si Daniel Padilla na siyang nais niyang pamanahan ng kanyang pagiging ‘bad boy’ na title sa showbiz at bilang isang action hero.


Samantala, isang makahulugang ‘good luck’ lang ang naibahagi nito sa usaping Aljur Abrenica, ang ama ng kanyang mga apo sa anak na si Kylie Padilla.



MARAMI na naman ang namba-bash kay Meme Vice Ganda nang dahil lang sa simpleng komento nitong ‘Pa-juliet-juliet’ (paulit-ulit naman daw) sa naging performance ni Thai popular singer Jeff Satur. 

Twice ngang kumanta si Jeff sa mahahalagang portion ng Miss Universe 2025.


Maraming mga Pinoy fans ni Jeff ang namba-bash kay Meme Vice dahil sa naturang post lalo’t may mga memes ding ikinukumpara ito kay Aljur Abrenica sa pagkanta nang tumitili at bumibirit na parang ibon daw.


Sinagot naman sila ni Vice at sinabing never niyang pinintasan ang husay ng singer bagkus ay naitanong lang nito kung bakit walang ibang singer na kumanta o naging guest.


‘Yung pagkukumpara kay Aljur ay hindi galing sa kanya kundi sa ibang nakapanood ng performance ni Jeff. 

“Complement pa nga ‘yun dahil singer din naman talaga si Aljur,” depensa ng ilang netizens.


“Misquoted o misinterpreted na naman si Meme. Basta-basta na lang din kasing mamuna ‘yung iba,” hirit naman ng nagtatanggol kay Vice Ganda.



HANEP naman ang ginawang mediacon ng Regal Entertainment para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (SRR:EO).


Very now ang peg lalo’t sa isang malaking sinehan ito sa Gateway ginanap with those of adoring fans ng mga young members of the cast na hindi maawat sa kakatili at kakasigaw. Hahaha!


Maganda ang premise ng trilogy ng SRR dahil may timeline silang 1775, 2025 at 2050 at kung paanong nilalabanan ang forces of evil.


Sina Richard Gutierrez, Carla Abellana, Manilyn Reynes, Arlene Muhlach, Ara Mina, Ivana Alawi at Janice de Belen ang lumalabas na mga senior stars ng Regal entry dahil halos lahat ay mga baguhang artista na.


Karamihan pa sa kanila ay mga galing sa bahay ni Kuya at naging popular nang dahil sa naging exposure nila sa Pinoy Big Brother (PBB).


Nandiyan sina Dustin Yu, Fyang Smith, JM Ibarra, Loisa Andalio, Isabel Ortega, Ashley Ortega, Elijah Alejo, Karina Bautista at sina Seth Fedelin at Francine Diaz, plus marami pang iba.


Ang mga direktor nito ay sina Ian Lorenos, Joey de Guzman at Shugo Praico.

Well, umaasa rin kami na ‘yung lakas ng mga sigawan sa mediacon ng mga grupo ng mga fans ng ilan sa mga bidang artista ng SRR:EO ay dapat na mag-translate sa bonggang box-office returns come December 25.


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | November 16, 2025



Jean Jordan Abina - IG

Photo: Jean Jordan Abina - IG



Magkakaroon ng Christmas show ang mga ‘clones’ ng Eat… Bulaga! (EB!)

Kataka-taka lang na marami ang naghahanap at nagtatanong kung bakit wala sa lineup ng mga artists ang grand winner ng contest na si Jean Jordan Abina.


Si Jordan ang ultimate grand winner na gumagaya sa boses ng pamosong si Karen Carpenter na hinangaan nga ng marami dahil sa linis at sobrang lapit ng boses nito sa yumaong music icon.


Marami ang nagpaabot sa atin ng pagtataka kung bakit hindi na nga raw ito napapanood sa EB! gaya ng mga araw-araw na clones na naging bahagi na ng programa.

At ngayon ngang magkakaroon sila ng Christmas show, kapuna-punang wala ito sa poster at dahil inianunsiyo ni Bossing Vic Sotto na under contract na sa kanilang talent center ang ibang clone artists, marami nga ang naghahanap kay Jordan.

May something kaya na nangyari na hindi ipinaalam ng Dabarkads?



BUKOD kay former Sen. Juan Ponce “Manong Johnny” Enrile, isa pang kilalang personalidad na yumao na rin ay ang mahal ng maraming si Tita Rose, Florence Lansang Danon, o mas kilala bilang si Rosa Rosal. 


Minsan nang napabalita ang kanyang pagyao last month lamang, pero nito ngang November 15 ay kumpirmadong tuluyan na itong ginupo ng kanyang karamdaman.


Ang amin pong taos-pusong pakikiramay sa mga naiwan ng itinuturing na reyna ng Red Cross, isang batikang humanitarian at magaling ding aktres. 




Singer, nang mag-artista sa pelikula…

NONOY, UMAMING SI VILMA ANG FIRST SCREEN KISS NIYA


“SANA nga ay mas mabusisi at maproteksiyunan,” ang lahad ni Nonoy Zuñiga tungkol sa mga kontrata ng mga singers o kahit na sinong artist.


Base raw kasi sa kanyang personal na karanasan at sa hinaba-haba ng naging stay niya sa music industry, hindi raw pala siya personal na nakakakuha ng ‘royalty’ sa ilan niyang mga hit and classic songs gaya ng Never Ever Say Goodbye.


Sa kanyang paliwanag, dati raw kasi ay hindi ito naisasama o napag-uusapan sa mga kontrata dahil ang pagkanta lang ang mas binibigyan nila ng pokus noon.


Kaya nga raw mas masuwerte ang mga singers ngayon dahil sa pag-evolve ng social media, mas nabibigyan na sila ng proteksiyon sa mga kontrata nila.


Subalit nag-agree rin naman ang hitmaker at music icon na unlike before, tila sa number lang daw marami ang mga singers ngayon. 


During their time kasi, ang isang gaya niya ay posible at kering magkaroon ng sunud-sunod na hit songs na magiging ‘tatak’ nila sa industry.


“‘Yung mga song na talagang after a decade or so, nand’yan pa rin at kinakanta ng marami,” sey pa nito.


Kaya naman sa darating na December 9, inaasahang muli niyang mapupuno ang Newport Performing Arts Theater para sa repeat ng kanyang Beyond Gold: Songs of a Lifetime concert


At 71, umaasa si Nonoy na maka-relate pa rin sa mga younger audiences na kilala pa rin ang mga songs niya gaya ng Doon Lang, Kumusta Ka, Live for Love, Love Without Time, Init sa Magdamag at marami pang ibang classic na rin.


Sasamahan siya on Dec. 9 nina Pops Fernandez, Nina, Dulce, Rey Valera, Marco Sison at Lani Misalucha, with new artists Isha Ponti at Andrea Gutierrez.


Ay may trivia pala si Nonoy na nai-share during the presscon ng kanyang repeat concert.

Ang Star for All Seasons na si Vilma Santos pala raw ang first screen kiss niya sa movie na Never Ever Say Goodbye (1982). 


“Hindi ko talaga alam kung ano ‘yung screen kiss. Pero sobrang proud ako na isang Vilma Santos ang nag-guide sa akin at nagbigay-kumpiyansa sa pagiging leading man at aktor ko kahit sandali,” pagbabahagi nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page