top of page
Toni Talks - Bongbong Marcos Interview.jpg

Ibang-iba raw sa mga artista ngayon… DIREK LAMASAN: SHARON, DAPAT TULARAN SA PAGIGING PROFESSIONAL

Writer: BULGAR
BULGAR
53 minutes ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 20, 2026



Sharon Cuneta-IG @reallysharoncuneta

Photo: IG @reallysharoncuneta



Para sa premyadong direktor na si Olivia Lamasan, ang Megastar na si Sharon Cuneta ang dapat tularan pagdating sa pagiging professional sa trabaho. 


Ilang taon niyang nakasama si Shawie sa mga shows at nakita niya ang dedication nito sa kanyang propesyon. 


Bilang isang aktres, may lalim daw umarte si Mega, kaya gusto niya itong makatrabaho muli sa mga future projects.


Bagama’t maraming sikat at magagaling na artista ngayon, para kay Direk Olivia ay namumukod-tangi si Sharon. Wala raw itong kaere-ere at hindi feeling diva. 


Sa henerasyon ngayon ng mga artista, bibihira ang may ganitong katangian. Kaya naman, laging inaabangan ng mga fans ang mga serye at pelikula ni Mega. 


Ang latest nga niyang ginawa ay ang Honor Thy Mother kasama sina Barbie Forteza, John Estrada, Khalil Ramos, atbp.. 


Sa mga aktor ngayon, nangunguna si Aga Muhlach sa mga paborito ni Direk Olivia. May kakaibang galing kasi ito sa pag-arte na babagay sa madramang serye.





Puring-puri ng mga Batangueño ang sipag at dedikasyon ni Gov. Vilma Santos-Recto. Halos kulang na siya sa tulog at pahinga para lang makapagbigay ng tamang serbisyo sa kanyang mga kababayan. Kaya, hindi na siya nakadalo sa launching ng Ala, E! Festival, na ang host sa taong ito ay ang Batangas City sa pamumuno ni Mayor Marvey Mariño.


May sakit ang Star for All Seasons dahil sa sobrang pagod sa pag-iikot niya sa mga bayan ng Batangas. Ganunpaman, kahit hindi siya nakadalo sa launching ng naturang festival na dinaluhan ng media, maayos naman ang naging pag-aasikaso ng kanyang mga staff.


Isa sa mga katangiang nagustuhan ng mga Batangueño kay Gov. Vi ay ang serbisyong ibinibigay niya. Nakatutok siya sa mga projects na makatutulong sa lahat, lalo na sa edukasyon, kalusugan, pangkabuhayan at trabaho.


Hindi na rin mahihirapang lumapit at humingi ng tulong ang mga Batangueño dahil mayroon nang ‘Capitol on Wheels’ na siyang pupunta mismo sa mga bayan ng Batangas.

Marami na rin siyang sinusuportahang scholars, at ang pagpapatayo ng mga ospital ay isa sa kanyang mga prayoridad. 


Gustong patunayan ni Gov. Vilma na kahit artista ang piniling mamuno sa lalawigan ng Batangas ay makapagbibigay pa rin ng magandang serbisyo sa lahat. 

Well, ito ang legacy na gusto niyang iwan sa mga Batangueño.





Pasabog sa recital…

ANAK NINA MARIAN, ANNE AT DRA. BELO, FUTURE SUPERSTARS



FUTURE superstars ang mga anak nina Marian Rivera, Anne Curtis at Dra. Vicki Belo na sina Zia, Dahlia at Scarlet. Magaganda at talented ang mga ito at nagpakita ng galing sa pagkanta sa isang recital.


Kitang-kita ang self-confidence nilang tatlo habang nagtatanghal sa stage, kaya super proud parents sina Marian at Dingdong Dantes, Anne at Erwan Heussaff, at Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.


Few years from now, sina Zia, Dahlia at Scarlet na ang magniningning sa showbiz. 

Well, ‘ika nga, “It runs in the blood." May pinagmanahan sila kaya tiyak na magiging future idols.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page