Hindi lang gobyerno: Malalaking negosyo, kasabwat sa pagbagsak ng bayan
- BULGAR

- 33 minutes ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | February 3, 2026

Bubuhayin na ang impeachment kontra kay VP Sara.
Masasabay ito sa impeachment kuno kontra kay PBBM.
Sa palagay n'yo, ano ang idinarasal ni Tito Sen?
-----$$$--
KALIWA’T kanan ang pagkakasangkot ng mga aktibo at retiradong pulis sa iba’t ibang krimen—holdap, robbery, homicide at murder.
May batas pa ba?
-----$$$--
HUWAG na nating banggitin ang “hindi maresolba” na illegal drugs na malillit na pusher lang ang nadarakip.
Nasaan at sino ang tunay na drug lord, hulaan n'yo!
----$$$--
BAGSAK ang ekonomiya.
At dadausdos pa ito nang dadausdos.
Maawa kayo kay PBBM—siya ang pagbubuntunan ng galit ng mga Pinoy.
-----$$$--
INAKUSAHAN ng Security and Exchange Commission ang Pamilya Villar ng “stock trading manipulation”.
Delikado ‘yan!
-----$$$--
ANG nilulutong “transaction” sa trading ay hindi lang ikababagsak ng Pamilya Villar.
Ikababagsak ito ng ekonomiya ng buong bansa.
Bakit ngayon lang nabisto o “ibinisto”?
------$$$---
NATATANDAAN ba ninyo na may isa ring katulad ng kaso na isinangkot din ang isang “kroni” o “oligarko” sa ganyang klase ng kabulastugan sa “stocks”?
Umabot sa United States ang kaso—at hindi malinaw kung ano ang kinahinatnan.
Kwidaw!
-----$$$--
Malinaw na hindi lang ang pusakal na korupsiyon sa gobyerno ang sanhi ng pagbagsak ng ekonomiya.
Mas malalaki ang korupsiyon sa pribadong sector.
-----$$$--
HULAAN n'yo, saan nakatago ang bilyon-bilyong piso na dinambong sa mga nakaraang taon mula sa kaban ng bayan gamit ang annual budget?
Ang multi-bilyong pisong kulimbat o “loot” ay hindi puwedeng ibalik sa mga “bangko.”
----$$$--
Ang mga kulimbat na ito ay posibleng nasa mga “vault room” ng malalaking bahay sa mga exclusive villages.
At negatibo ang epekto nito sa kabuuan ng ekonomiya.
-----$$$--
KAPAG itinago ang bilyong barya at hindi ginastos sa merkado, economic sabotage ‘yan.
Kapag ang bilyon-bilyon peso bills ay itinengga at hindi rin inilagak sa bangko o ginastos sa merkado—babagsak din ang ekonomiya.
Meaning, apektado ang tinatawag na “liquidity” o daloy ng aktuwal na salapi!
------$$$--
MAY nagmumungkahi na upang mabalewala ang mga “nakatagong” kulimbat na wala sa mga bangko” – dapat nang ipa- demonetized ang mga P1,000 bills ng mga demonyo!
Shortcut ‘yan—mababawi ng gobyerno ang mga naturang nakaw nang simple at isang-iglap lang.
-----$$$--
SA totoo lang, dahil sa AI, digital age, madaling matutukoy kung nasaan o kung saan itinatago ang bilyon-bilyong piso.
May listahan ang Bangko Sentral ng mga inilabas nilang P1,000 bills—dahil ito ay may serial number.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.








Comments