Hindi lang cabinet members ang dapat mag-resign, pati raw presidente!
- BULGAR
- 1 day ago
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 26, 2025

HINDI LANG CABINET MEMBERS ANG DAPAT MAG-RESIGN, KAILANGAN DAW PATI PRESIDENTE MAG-RESIGN -- Mali ang akala ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na hahangaan siya ng publiko sa panawagan niya sa mga miyembro ng kanyang gabinete na magsipag-resign.
Inaalaska kasi siya ng mga netizens na hindi lang daw mga cabinet members ng Marcos administration ang dapat mag-resign, dahil dapat mismo ang pangulo ng ‘Pinas na si PBBM ay dapat din daw mag-resign, boom!
XXX
AFTER ELECTION, SEN. BONG GO TRABAHO AGAD, LAHAT NG PINOY PINABIBIGYAN NG PHILHEALTH IDs -- Nagsulong si Senator-elect Bong Go ng panukalang pagkalooban ng PhilHealth ID (identification card) ang lahat ng mga Pilipino, na ang magpapamigay nito ay mga local government units (LGUs) dahil marami pa rin daw mga Pinoy ang hindi nakakaalam na sila ay miyembro na ng PhilHealth.
Deserve talagang mag-top sa nakaraang senatorial election si Sen. Bong Go kasi kung ang ibang reelectionist senator na nagwagi rin sa nakaraang halalan ay nilalasap pa ang pagkapanalo, ay iba siya (Bong Go), kasi after election, trabaho agad para sa kapakanan ng sambayanang Pinoy, period!
XXX
MAY MGA POLITICAL DYNASTY ANG NATALO SA 2025 ELECTION, AT SANA SA 2028 ELECTION, MAS DUMAMI PANG POLITICAL DYNASTY ANG MATALO -- Nitong nakalipas na halalan ay may mga kandidato sa local level na mula sa political dynasty ang tinalo ng mga bagitong pulitiko.
Magandang senyales iyan, na ibig sabihin ay may mga kababayan tayo sa mga probinsya, lungsod at municipality na ayaw na nila sa political dynasty, at sana sa darating na 2028 election, mas dumami pa ang matalong mga pulitikong mula sa “Kamag-anak Inc,” boom!
XXX
DAPAT LANG PAPANAGUTIN SA BATAS ANG MGA NASA LIKOD NG ONLINE SABONG, ONLINE SAKLA AT ONLINE SCATTER -- Inanunsyo ni Asst. Sec. Renato Paraiso ng Dept. of Information and Technology (DICT) na magsasanib-puwersa sila ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para lansagin at papanagutin sa batas ang mga nasa likod ng mga online illegal activities, partikular ang illegal online gambling.
Sana sa pamamagitan ng joint task force na iyan ay makasuhan at mapakulong na ang mga nasa likod ng mga online sabong, online sakla at online scatter kasi sa totoo lang, marami na sa ating mga kababayan ang masyado nang nalululong sa mga online gambling na iyan, period!