top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Hindi bababa sa 16-taon ang agwat ng edad ng foster parents at bata na gustong ampunin

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2021
1 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 22, 2021



Dear Chief Acosta,Dear Chief Acosta,


Ang aming kapitbahay ay ulilang bata na edad 14 pa lamang. Maaari ba akong mag-apply bilang foster parent niya kahit pitong taon lamang ang agwat namin sa edad? – Adelia


Dear Adelia,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Rule 6 (b) ng Implementing Rules and Regulation ng Republic Act No. 10165 o mas kilala sa tawag na Foster Care Act of 2012, kung saan nakasaad na:


“RULE 6. Who May Be a Foster Parent. – To qualify as a Foster Parent, an applicant must meet all of the following:

x x x

(b) Must be at least sixteen (16) years older than the foster child unless the applicant is a relative of the foster child;”


(Binigyang-diin)


Sang-ayon sa nabanggit, malinaw na ang foster parent ay dapat may 16 o higit na taong agwat sa edad ng kanyang foster child. Ibig sabihin, hindi kayo maaaring maging foster parent ng inyong kapitbahay sapagkat pitong taon lamang ang agwat ng inyong edad.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page