Hinamon, pero nang tanggapin ni Mayor Magalong, mga cong. nagsitiklop
- BULGAR

- Aug 8, 2025
- 3 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 8, 2025

SABLAY ANG PAGKUMPARA NI SP ESCUDERO SA DAVIDE IMPEACHMENT AT VP SARA IMPEACHMENT -- Hindi dapat ikumpara ni Senate Pres. Chiz Escudero ang desisyon noong year 2003 ng Supreme Court (SC) sa Davide impeachment at sa Vice Pres. Sara Duterte impeachment ngayong year 2025, dahil sa Davide impeachment ay malinaw na may paglabag dito sa 1-year bar rule, kasi noong June 2, 2003 ay nag-file si former Pres. Joseph Estrada ng impeachment kay Chief Justice Hilario G. Davide Jr. kung saan nakipagkutsabahan daw ito sa noo’y Vice Pres. Gloria Macapagal-Arroyo para siya (Estrada) ay mapatalsik sa poder, at ito ay dininig sa House Committee on Justice na kalaunan, dinismis ng komite ang reklamong impeachment laban kay Davide, at noong October 23, 2003 ay nag-file uli ng impeachment ang noo’y Tarlac Rep. Gibo Teodoro laban kay Davide sa isyung maling pamamahagi ng Judiciary Development Fund, at dito umeksena ang SC, na labag sa 1-year bar rule ito kasi nadismis na ang impeachment kay Davide noong June 2003, tapos pinai-impeach na naman ng Oct. 2003.
Sa kaso ng kay VP Sara, ang naunang 3 impeachment cases na isinampa sa bise presidente noong December 2024 ay hindi dininig sa House Committee on Justice, at ang tanging impeachment na dinesisyunan ay ang Feb 5, 2023, at ito ay nakakuha rin ng mahigit 1/3 votes kaya diretso sa Senado.
Ang nais nating ipunto rito ay malinaw, sablay ang ginawang pagkukumpara ni Escudero sa Davide impeachment at VP Sara impeachment, period!
XXX
ANG GULO NG SENADO, WALANG PAGKAKAISA ANG NASA MAJORITY AT MINORITY -- Ang gulo ng Senado, walang pagkakaisa ang nasa majority at minority dahil karaniwan kung anong stand ng head ng majority ay iyon din ang stand ng mga member nito, at kung anong stand ng head ng minority ay ‘yun ding stand ng mga member nito.
Ang stand ni SP Escudero bilang head ng majority ng Senado ay stop na ang impeachment kay VP Sara, pero ang dalawang members ng majority na sina Sen. Bam Aquino at Sen. Kiko Pangilinan kumontra, gustong ituloy ang impeachment kay VP Sara, at sa panig naman ni minority leader Sen. Tito Sotto ay nais ituloy ang impeachment sa bise presidente, pero ang dalawang member ng minority na sina Sen. Migz Zubiri at Sen. Loren Legarda ay pumabor sa gusto ng Senate president na stop na ang impeachment sa vice president, boom!
XXX
SANA TOTOO ANG PAGMAMALASAKIT NI PBBM SA MGA MAGSASAKANG PINOY AT HINDI PA-POGI POINTS LANG SA PUBLIKO -- Simula sa Sept. 1, 2025 ay pinasususpinde na ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang importasyon ng mga imported rice para raw maproteksyunan ang mga magsasakang Pinoy sa panahon ng anihan ng palay.
Sana, totoo ang pagmamalasakit na iyan ni PBBM sa mga magsasakang Pinoy, at hindi pa-pogi points lang, period!
XXX
MGA CONG. NAGSITIKLOP NANG TANGGAPIN NI MAYOR MAGALONG ANG HAMON NA DUMALO SA HOUSE HEARING -- Nang ibulgar ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang kickback ng mga kongresista sa pork barrel ay hinamon ng Kamara na dumalo ito sa House hearing at patunayan ang kanyang mga alegasyon.
Pero nang palagan ni Mayor Magalong ang hamon, nanahimik na ang mga kongresista, indikasyon ito na tiklop sila sa alkalde, na maaaring alam ng mga cong. na may hawak na "alas" ito (Magalong) laban sa mga politician na kumi-kickback umano sa mga pork barrel projects, boom!




Comments