top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Herbosa, ‘di dapat makalusot sa plunder kahit nag-resign na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 14, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


TOTOO BANG LUMALAGANAP NA NAMAN ANG COVID-19 O DAHILAN LANG ITO PARA HINDI MAKAPAG-ISYU NG PERMIT SA MGA MAGSASAGAWA NG ANTI-MARCOS RALLY? – Matapos iulat ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na dumami ang kaso ng COVID-19 sa lungsod, nanawagan naman ang Manila LGU sa publiko na magsuot ng face mask, pairalin ang social distancing at umiwas sa matataong lugar dahil umano'y muling lumalaganap ang coronavirus sa Metro Manila.


Totoo ba ito, o ginagamit lang ang isyu ng COVID-19 bilang dahilan para higpitan ang pagbibigay ng permit sa mga magsasagawa ng anti-Marcos rally?


Noong June 30 at July 1, 2026 ay nagsagawa ng anti-Marcos rally sa EDSA Shrine sa Quezon City, habang noong July 2 at July 10, 2026 ay nagkaroon din ng mga protesta sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.


Kung totoong muling lumalaganap ang COVID-19, nararapat lamang na mag-ingat ang mamamayan. Pero kung hindi naman ito totoo at ginagamit lang bilang dahilan para higpitan ang permit sa mga magpoprotesta, mali iyon dahil karapatan ng taumbayan ang magpahayag ng kanilang saloobin laban sa mga polisiyang sa tingin nila ay mali. Period!


XXX


HINDI DAPAT PALUSUTIN SA KASONG PLUNDER SI TED HERBOSA KAHIT NAG-RESIGN NA SIYA SA DOH – Nagbitiw na sa puwesto si Sec. Ted Herbosa bilang kalihim ng Department of Health (DOH).


Si Herbosa, kasama sina Executive Secretary Ralph Recto at Finance Secretary Frederick Go, ay sinampahan ng kasong plunder ni health advocate Dr. Tony Leachon sa Office of the Ombudsman kaugnay ng umano'y pagsasabwatan sa paglilipat sa Bureau of the Treasury (BTr) ng mahigit P60 bilyong reserve funds ng PhilHealth at P107 bilyong pondo ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).


Sana naman, kahit nagbitiw na si Herbosa sa kanyang puwesto, ay hindi siya palusutin ng Ombudsman sa kinahaharap niyang kasong plunder. Boom!


XXX


MAY MGA NEGOSYANTENG PUMAPASOK SA PULITIKA PARA LANG MAGNEGOSYO SA GOBYERNO – Sinabihan ni Ombudsman Boying Remulla ang mga negosyanteng pulitiko na iwasan ang conflict of interest dahil isa ito sa mga ugat ng korupsiyon.

Ayon sa kanya, kung magnenegosyo, magnegosyo na lang at huwag nang pumasok sa pulitika.

May punto si Ombudsman Remulla. Sa totoo lang, may mga negosyanteng pumapasok sa pulitika na ang hangad lang kapag nanalo sa eleksyon ay gamitin ang kanilang kapangyarihan para sa negosyo sa gobyerno, sa halip na maglingkod sa mamamayan. Period!


XXX


MGA SMUGGLER NA SINA 'GERRY T.' AT 'KIMBERLY GANG', MARCOS LOYALISTS DAW KAYA UNTOUCHABLES SA CUSTOMS – Napaka-"untouchables" umano sa Customs nina "Gerry T." at ng "Kimberly Gang."


May impormasyon kasi na halos lahat ng kanilang mga "epektos," tulad ng smuggled meat, gulay, plastic resins at ukay-ukay, ay naipupuslit palabas ng Customs.


Ang dahilan umano kung bakit walang nangangahas na hulihin at kasuhan ang mga ito ay dahil sinasabing mga Marcos loyalists sila. Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page