top of page
Search
  • BULGAR

HEART, NAKIPAGSABAYAN SA MGA RAMP MODELS SA VICTORIA’S SECRET

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 5, 2023



Pinatunayan ni Heart Evangelista na kahit petite at 5’2” lang ang height niya, kaya niyang makipagsabayan sa pagrampa sa matatangkad na foreign ramp models.


Hindi siya natatalbugan ng mga international models dahil kabog ni Heart ang mga tisay na models sa pagdadala ng mga designer’s outfits.


Kilalang-kilala na si Heart ng mga sikat na fashion designers na nakakasabay niya sa Paris, New York at Milan Fashion Week. Si Heart na mismo ang iniimbita ng mga organizers kapag may malalaking fashion events abroad.


Recently, sa pagbubukas ng Victoria’s Secrets sa Singapore ay si Heart ang special guest at nakasabay niya sa pagrampa ang magaganda at matatangkad na Victoria’s Secrets models.


Kaya naman, super proud, excited at masaya si Heart sa bago niyang experience na naging ambassadress ng Victoria’s Secrets. Malaking achievement na ito para sa kanya.


Samantala, gusto na ring balikan ni Heart ang pag-arte. Nagpaparamdam na siya sa mga big bosses ng GMA Network. Pero hindi serye kundi pelikula ang gusto niyang gawin na ang kapareha ay si Alden Richards.


Pabor naman ang mga fans niya sa pagtatambal nila ni Alden. Nagkita at nagkausap na sina Heart at Alden sa block screening ng Five Breakups & A Romance at pareho silang excited sa magiging project nila together.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page