top of page

Heart, naihanay sa ‘nepo wives’ dahil sa sablay na pabida sa ‘Paraiba ring’ na bigay ni Chiz

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 16
  • 3 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 16, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez


SEC. REX GATCHALIAN, TOP PERFORMER SA MGA MIYEMBRO NG GABINETE NI PBBM, BUKOD SA WALANG ISYU NG KORUPSIYON SA DSWD, MASIGASIG PANG NAGHAHATID NG SERBISYO SA MAMAMAYAN -- Sa latest survey na isinapubliko ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD) patungkol sa performance ng mga miyembro ng gabinete ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ay nag-top si Sec. Rex Gatchalian ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD), minarkahan siya ng taumbayan ng 92% approval at 89% trust ratings sa kanyang paglilingkod sa mamamayan.


Magta-top talaga si Sec. Gatchalian kasi bukod sa walang nababalitang corruption sa DSWD, ay nakita pa ng taumbayan na masigasig siyang nakapaghahatid ng serbisyo sa mga mahihirap, palakpakan naman diyan!


XXX


GRABE ANG PANG-I-SCAM SA KABAN NG BAYAN NOONG PANAHON NG PANDEMYA, DAHIL MAY ‘PHARMALLY SCAM NA’, MAY ‘FLOOD CONTROL PROJECTS SCAM’ PA -- Sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ng noo’y Sen. Richard Gordon, na panahon ng pandemya noong year 2020, ay nabulgar na ang  tropa ni Yang Hong Ming, aka "Michael Yang" ng Pharmally Pharmaceutical Inc. ay nakapang-scam ng higit P12 billion na kontratang medical supplies sa Dept. of Health (DOH) at Dept. of Budget and Management (DBM) dahil natuklasan na after nilang makuha ang pera (P120B) ay wala naman silang idineliber na face mask at face shield sa pamahalaan kaya natagurian itong "Pharmally scam" dahil "ghost medical supplies" ang pinasok nilang kontrata sa pamahalaan, at sa pagdinig naman ng House Infra Committee ay napaamin ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin si Curlee Discaya na noong year 2020 rin, panahon ito ng pandemya ay nakakuha ang construction firm nila ng flood control project worth P11.6 billion sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH) at masasabing pang-i-scam din ito, "ghost flood control project" dahil pandemic time lahat tayo naka-lockdown, tapos ang mag-asawang Discaya nakakuha ng proyektong dapat may mga magtatrabaho, gayong nang panahon na ‘yun (pandemic at lockdown) ay wala namang pinayagan ang gobyerno na lumabas ng bahay para magtrabaho.


Grabe din ang pang-i-scam sa kaban ng bayan noong panahon ng pandemya dahil may “ghost medical supplies” na, may “ghost flood control projects” pa, buset!


XXX


SABLAY ANG PABIDA NI HEART EVANGELISTA SA REGALONG ‘PARAIBA RING’ SA KANYA NI SEN. CHIZ, NAIHANAY TULOY SIYA SA 'NEPO WIVES' -- Si Heart Evangelista ay mapera, malaki ang kinikita niya sa pagiging fashion model, endorser ng mga produkto, may naipon noong aktibo pa siya sa showbiz at mana mula sa mayayaman niyang magulang. 


Ibig sabihin, kung ang ibinida ni Heart sa social media ay mula sa sariling pera niya ang ipinambili sa suot niyang Paraiba ring na mula sa Brazil, na ayon sa mga netizens ay worth $1M o higit P57M daw ay walang isyu r’yan, kasi nga rich naman na siya kahit hindi pa niya asawa si Sen. Chiz Escudero.


Ang problem, sablay ang ibinida ni Heart na regalo sa kanya ni Sen. Chiz ang singsing, dahil kung totoong ganyan kamahal iyan ay mababansagan talaga siya na kabilang sa mga "nepo wives" ng mga politician, gov’t. officials at mga kontraktor, lalo’t may matinding isyung korupsiyon ngayon sa pamahalaan, at nabulgar na may koneksyon ang kanyang mister na senador sa kontraktor na si Lawrence Lubiano na nakakuha rin ng sangkatutak na flood control projects sa DPWH, boom!


XXX


‘PROTECTION RACKET SYNDICATE’ SA BATANGAS DAPAT IPALANSAG NI GOV. VILMA SANTOS KAY PD COL. SIBALO, DAHIL SA PANAHON NI EX-GOV. MANDANAS WALANG GANYANG SINDIKATO -- May protection racket syndicate na rin ngayon sa Batangas, at ang mga pasimuno nito ay sina alyas "Aldrin," "Marasigan" at "Gardiola" na ang raket ay bigyan ng proteksyon ang mga operasyon ng bookies, lotteng, sakla, color games, na ang kapalit ay lingguhang payola.


Dapat utusan ni Batangas Gov. Vilma Santos si Batangas Police Director, Col. Geovanny Sibalo na lansagin ang "protection racket syndicate" na ito dahil noong si Vice Gov. Dodo Mandanas pa ang gobernador ng lalawigan ay walang namamayagpag na ganyang sindikato, walang illegal gambling sa kanilang probinsya, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page