top of page

Happy na ang BFF na si Pie ang GF ni Edu… "I WISH THEM ALL THE BEST" — VILMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2021
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 22, 2021





'Kaaliw talagang panoorin 'pag nag-one-on-one interview na ang mag-inang Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at Luis Manzano.


Sa latest uploaded vlog ni Luis sa kanyang Lucky TV YouTube Channel, ang dami na namang nalaman ng mga viewers tungkol kay Ate Vi dahil piniga-piga na naman niya ang kanyang Momski sa mga tanong niya rito.


In fairness, 'di naman nadehado si Ate Vi kay Luis dahil ang dami ring rebelasyon tungkol sa mister ni Jessy Mendiola.


Tawang-tawa kami nu'ng lumabas sa vlog ang mga pictures ni Ate Vi kasama ang sikat na international singer na si Michael Jackson (RIP). Pareho pa silang mga bagets nu'n at ayon kay Ate Vi, kuha 'yun sa isang hotel dito sa 'Pinas nang mag-concert dito ang singer. Fan pala siya ni MJ kaya nagpa-picture siya rito.


Pero inintriga ni Luis ang picture ng ina at ni MJ, pinagdudahang tatay daw niya si Michael Jackson at pabirong pinaaamin si Ate Vi.


"Utang na loob!" lang naman ang hirit ni Ate Vi na tawa nang tawa.


Tinanong din ni Luis ang ina kung gusto pa nitong magka-baby sila ni Sen. Ralph Recto kung saka-sakaling puwede pa.


Sagot ni Ate Vi, "Why not? My God! Sana nga, baby girl. Pero alam nating lahat na 'di mangyayari 'yun kaya I'm looking forward to my apo."


Samantala, 'di naman sinasadyang maibulgar ni Ate Vi ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila noon ni Edu Manzano nang tanungin ni Luis kung paano ikukumpara ng ina ang pagmamahal nito sa tatay niya at kay Sen. Ralph.


Sabi ni Ate Vi, "Mahirap 'yan. I cannot compare. Hindi naman puwedeng pareho.


"It was unfortunate na nagkaroon ako ng problema financially na hindi naman matutugunan ng daddy mo that time. Kailangan kong trabahuhin talaga. Hindi ko natupad maging Mrs.

Manzano," pag-amin ni Ate Vi.


Samantala, bagama't same love ang na-feel niya kay Sen. Ralph, ani Ate Vi, "Your Tito Ralph gave me the second chance in life to be happy and to look forward into something positive again if we will talk about relationship."


Very successful relationship daw ang sa kanila ng senador kaya kase-celebrate nga lang nila ng 29th wedding anniversary.


Pang-huli, bagama't umiiwas si Ate Vi na mag-comment sa relasyon ngayon ng kanyang ex-hubby sa kaibigan din naman pala niyang si Cherry Pie Picache, happy daw siya para sa dalawa.


"I wish them all the best," ang tanging nabanggit ng Momski ni Luis.


Sayaaaaah!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page