top of page
Search
  • BULGAR

Hagdan pa lang, parang sa Sofitel na… BAHAY NI KATHRYN, MALA-MALL SA LAKI

ni Nitz Miralles @Bida | April 13 2024




Ang laki at ang ganda ng bahay nina Kathryn Bernardo, mala-mini-mall, at ang hagdan, parang spiral staircase ng Sofitel Hotel. 


Sa mga photos na nakita namin, sa entrance door pa lang, pasabog na at may swimming pool pa! Hindi na kailangang lumabas pa ng bahay ng aktres para mag-swimming.


Wala si Jericho Rosales sa house blessing at ang nakita ay si Piolo Pascual. Naroon din sina Darren Espanto at Robi Domingo na laging naiimbita sa mga parties ni Kathryn, sina Dominic Roque, Sofia Andres, Mark Bumgarner, Gelli de Belen at marami pang iba. 


Hindi naman siguro isi-ship sina Kathryn at Piolo dahil nauna nang na-ship si Jericho kay Kathryn.


Pero halimbawang naging sina Kathryn at Alden nga, ano kaya ang magiging reaction ng mga bashers ng Pambansang Bae? Magtitriple tiyak ang bashings sa kanya, kaya lang, natuto na ang aktor at dedma na.


After ng birthday ni Kathryn at pagkatapos ng house blessing, inaabangan pa rin ang sunud-sunod niyang endorsements at sa nabasa namin, may isa pa siyang big endorsement. 


Hinihintay din ang mga gagawin niyang projects dahil nami-miss na siyang mapanood sa pelikula at teleserye.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page