Habang nagpo-promote ng serye… JM, INATAKE, BIGLANG NAG-IIYAK
ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 18, 2021

Marami ang nagulat at nag-alala para kay JM de Guzman nang i-post niya sa kanyang Instagram ang video niya habang umiiyak.
Sa caption, inilagay ni JM na: "So I had a mild panic attack during our promo this afternoon. Was having fun, tapos bigla na lang umatake. My handler @starmagic_portia asked me kumusta ako and I can't type so I sent her this video."
Tulad ng ibang fans ni JM, akala namin ay okay na okay na ang aktor, pero paminsan-minsan pala ay nakakaranas pa rin siya ng panic attack, na inamin niya rin sa kanyang post.
Aniya, "Thank God dumaan lang nang mabilis. And it's been more than a month since the last attack #spreadawareness"
Kasunod nito ay ipinaliwanag niya ang ibig sabihin ng panic attack nang mas maintindihan ng mga tao ang hirap ng kanyang pinagdaraanan.
"A panic attack is a sudden episode of intense fear that triggers severe physical reactions when there is no real danger or apparent cause. Panic attacks can be very frightening. When panic attacks occur, you might think you're losing control, having a heart attack or even dying. #ifyouhavethisrememberyoullbeok. Stay positive," paalala pa ni JM.
Well, sa inamin na ito ni JM, naiintindihan na namin kung bakit tumagal nang 5 yrs. na single siya.
Maaaring until now, marami pa ring worries si JM sa kanyang mental health na hindi pa talaga niya nare-resolve nang tuluyan kaya feeling niya, hindi pa siya handang pumasok sa panibagong relasyon.
After all, 'di ba nga't sinabi ni JM na sobra siyang magmahal at kapag nasasaktan, talagang naaapektuhan ang kanyang psychological stability, kaya tama lang munang hindi niya pilitin ang sarili hangga't hindi pa siya handa.
Chill lang muna, JM! Tutal, may sex life naman daw siya. Char! Kunsintidorang frog lang daw kami, oh! Nyahaha!
Joke lang po! Peace! And let's spread love, kindness and positivity!





Comments