Gutom, mabagal na internet, walang trabaho, tiwaling sistema, ready nang solusyunan
- BULGAR
- 4 hours ago
- 1 min read
ni Imee Marcos @Imeesolusyon | June 21, 2025

Yes na yes, finally nakapag-oath na ang lola niyo bilang re-elected SENADORA ng Republika ng Pilipinas!
Umuwi tayo sa aking beloved Ilocos Norte para makapagsimba sa St. Augustine Parish Church sa Paoay bago manumpa nu’ng Hunyo 18.
At mga sis, grabe ang weather ha — hindi pawisan, hindi maulan — kumbaga sa makeup, FRESH lang ang atake! Sabi nga ng tatay ko, ang tawag diyan, MARCOS WEATHER!
Of course, hinding-hindi natin malilimutan ang isang dosenang pasasalamat:
* Sa mga loyalistang hindi nagpa-shake kahit anong intriga!
* Sa mga sumuporta kahit maraming nega!
Sa totoo lang, hindi lang ako ang panalo — TAYONG LAHAT ITO!
Kaya ngayong palapit na ang 20th Congress, aba G na G na akong maghanap ng mga #IMEEsolusyon sa mga problema ng bayan!
Gutom, mabagal na internet, walang trabaho, tiwaling sistema — girl, nilista ko na lahat ‘yan sa planner ko with matching color coding pa!
So, push lang nang push! Asahan ninyong ilalaban natin ang national minimum wage; suweldo para sa mga magsasaka; at pag-amyenda sa Regional Specialty Centers Act, Cooperative Code at marami pang iba.
Simula pa lang ng laban at ang paghahanap natin ng tunay na IMEEsolusyon.
20th Congress, lezzgo! Reding-ready na ang inyong Manang!
Comments