top of page
Search

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | August 17, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Bes, ano itong narinig ko na kung saan-saan daw sinusugal ang pera natin sa GSIS?! Nakakaloka ha! Kaya naman hindi tayo pa-petiks — aksyon agad para paimbestigahan ang mga kahina-hinalang galawan na ‘to ng GSIS!


Alam mo kung ano pang mas nakakagimbal? Isang bilyon daw ang in-invest sa online gambling mga teh! Php1B OMG?! Pinaghirapang pera ng mga nagsisilbi sa gobyerno, sa sugal lang pala mauuwi? I kenat!


Iniisip ba nila na merong 2.7 milyong government employees ang magsa-suffer ng bongga kung malulugi ang GSIS sa red flag investment na ito??? Hindi ito laro, mga sismars! Bukod pa riyan, over sa dami ng mga violation sa rules at investment policies ‘yang online gambling investment na ‘yan!


Hindi pa nagtatapos du’n! Wala ring dividend profitability noong 2019 hanggang 2022! Mahigit 250 na milyong piso ang valuation loss! JUSKO PO! 


‘Di na mabilang sa daliri sa daming red flags na galawan ng GSIS! Malala pa sa dyowa mo! Check n’yo rito mga sis: https://tinyurl.com/3kdpwmcz.


Pero ‘wag mag-alala, mga ka-workmates sa gobyerno, #IMEEsolusyon pa rin! Paaaksyunan natin ‘to hanggang sa malinawan lahat, para sure na ligtas ang ating pension!


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | July 14, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

In-game agad ang lola niyo sa pagpasok pa lang ng ika-20 na Kongreso!


Na-file na natin ang unang benteng prayoridad na panukalang batas na talaga namang ASAP na need ng taumbayan mula Luzon hanggang Mindanao! It’s giving bongga, ‘di ba?!


May pantay na sahod para sa lahat pati suweldo para sa mga magsasaka at mangingisda. May panukala rin para sa murang bilihin, mas maayos na serbisyong pangkalusugan, at siyempre para sa mga bagets! ‘Di rin mawawala ang suporta sa barangay officials, sa mga LGU, at yes mga baks — pasok sa banga na rin ang panukalang proteksyon para sa LGBTQIA+!


Kumbaga, lahat onboard! Mapa-opisyal ka man o ordinaryong mamamayan, may panukalang para sa’yo! Everybody happy, walang jiwanan, ganern!


Kung gusto mong malaman ang first 20 bills ko sa Senado, aba shameless plug na ito, go ka na sa social media pages ko, mga beshie! Talagang too many to mention kung iisa-isahin natin dito! 


Ang mahalaga: kasama ka sa plano.


Tuluy-tuloy lang tayo sa makatao, makabayan, at makabagong batas. Walang maiiwan! 


Kasama ka sa mga #IMEEsolusyon ko sa Senado!

 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | June 21, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos

Yes na yes, finally nakapag-oath na ang lola niyo bilang re-elected SENADORA ng Republika ng Pilipinas!


Umuwi tayo sa aking beloved Ilocos Norte para makapagsimba sa St. Augustine Parish Church sa Paoay bago manumpa nu’ng Hunyo 18.


At mga sis, grabe ang weather ha — hindi pawisan, hindi maulan — kumbaga sa makeup, FRESH lang ang atake! Sabi nga ng tatay ko, ang tawag diyan, MARCOS WEATHER!


Of course, hinding-hindi natin malilimutan ang isang dosenang pasasalamat:


* Sa mga loyalistang hindi nagpa-shake kahit anong intriga!


* Sa mga sumuporta kahit maraming nega!


Sa totoo lang, hindi lang ako ang panalo — TAYONG LAHAT ITO!


Kaya ngayong palapit na ang 20th Congress, aba G na G na akong maghanap ng mga #IMEEsolusyon sa mga problema ng bayan!


Gutom, mabagal na internet, walang trabaho, tiwaling sistema — girl, nilista ko na lahat ‘yan sa planner ko with matching color coding pa!


So, push lang nang push! Asahan ninyong ilalaban natin ang national minimum wage; suweldo para sa mga magsasaka; at pag-amyenda sa Regional Specialty Centers Act, Cooperative Code at marami pang iba.


Simula pa lang ng laban at ang paghahanap natin ng tunay na IMEEsolusyon.


20th Congress, lezzgo! Reding-ready na ang inyong Manang!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page